Napabalikwas ako sa kama dahil sa nangyari
May narinig akong mabilis na tunog ng makina. Ang pag beep nito ay mabilis at nagising ang taong nakayuko sa tabi ko. Mama?
Nasaan ako?
"Austin anak!"
Niyakap niya ako ng mahigpit. May pumasok na nurse at nagnamadaling tinignan ang lagay ko
Tulala parin ako
"M-Mama?" sambit ko at naluha si Mama
"Gising ka na anak, ang tagal kong naghintay pero ngayon tinupad na ng Diyos ang panalangin ko" aniya habang lumuluha, naiyak narin ako at niyakap siya
"Ma'am kailangan po munang sumailalim ng ilang test ang pasyente para malaman po natin kung pwede na siyang lumabas" sabi ng nurse
Nakita ko ang kalendaryo na nakasabit sa likurang pinto
Nangunot ang noo ko
2022
"Ma, hindi ba mali ang kalendaryong iyon? Bakit 2022 ang nakalagay?" tanong ko at maamong tinignan ako ni Mama
"Anak. Tama lang ang kalendaryo, 2022 na. Tatlong taon kang nasa coma"
Coma?
"Mama, hindi ko maintindihan. Paanong coma? Comatose? Paano mangyayari iyon kung hindi naman ako naaaksidente" sabi ko at umawang ang bibig niya
"A-Anak. Wala ka bang maalala sa nangyari?" tanong niya
Umiling ako
Nagpaalam siya saglit at pagbalik ay may kasama na siyang doktor
"Misis, hindi po imposibleng mangyari iyon lalo na sa isang pasyenteng na comatose. Maaari siyang makaranas ng pagkalimot sa ibang mga bagay o amnesia" ani ng doktor
"Amnesia? Gumagaling ba iyon?" ani Mama na nawawalan na ng lakas
"Gumagaling naman po iyon, unti-unti siyang makakaalala. Basta hindi siya bibiglain sa impormasyon" ani ng doktor
"Ma" tawag ko
Tumingin siya sakin, pansin ko ang pagbagsak ng timbang niya
"Ano iyon anak?" tanong niya
"Ma, nasaan si Alji?"
Natahimik siya
"Anak. May nangyari kay Alji. Pwede naman natin siyang puntahan kung gusto mo pero wag kang aasa na makakausap mo siya ha. Pupunta tayosa kanila pagkatapos ng mga gagawing test sayo" aniya na maluha-luha
---
Pagkarating namin sa bahay ng mga Galvez ay hinarang kami ng mga guwardiya
"Anong sadya niyo rito?" tanong ng isa
"Si Alji, Alji Galvez" sagot ko
Nagkatinginan ang mga bantay at sinabing hindi pwede
"Manong pagbigyan niyo na itong anak ko, kagigising niya kang sa coma at matalik na kaibigan siya ni Alji" sabi ni Mama
"Hindi po talaga pwede, napag-utusan lang kami" ani ng guwardiya
"Anong nangyayari dito?" boses ng isang ma awtoridad na babae
"May nagpupumilit po kasi" sagot ng guwardiya
Nang makita ako ng matandang babae ay sandali pa siyang natigilan
BINABASA MO ANG
Eighteenth Day of August (SLOW UPDATES)
Teen FictionSTART: June 24, 2018 (idea) PUBLISHED: December 22, 2018 END: #38 in Bully