Chapter 13: Linked

0 0 0
                                    

Milyon-milyong boltahe ang nararamdaman ko ngayon

Gising na si Alji

Natigil kami at nagkatitigan

Hinawakan niya ang mga pisngi ko at pinalis ang mga luha doon saka ako hinagkan sa noo

"Natutuwa ako at gising ka na, August" aniya

"Ako ang natutuwa dahil gising ka na" sambit ko

"Ikaw ang nakatulog ng tatlong taon, August" sabi niya, nahihirapan siya kaya tumayo muna ako at kinuha ang tubig para painumin siya

"P-Pero Alji, bakit ganito ka na. Bakit ganoon ang mga kwento ni Nanang Sabel? Sobrang tagal mo magising" sabi ko

Tahimik siya

"Hindi ko rin alam" aniya

Nakatingin lang ako sa kanya at hindi parin makapaniwala na gising na siya

Lumapit ako para yakapin siya

Ang bilis ng tibok ng puso ko lalo na't yakapin niya rin ako

"August, may sugat ka pa. Hindi ka ba nasasaktan dahil sa pagyakap mo?" aniya

"Mas masasaktan ako pag tuluyan ka nang natulog at hindi na makaganting tulad nito muli sa yakap ko"

Bumitiw na kami sa yakap at nakita ko ang ngisi niya

"B-Bakit ka nakangisi?" tanong ko

Pinalapit niya ako at saka siya bumulong

"You kissed me first" aniya. Napatalikod ako at gusto kong kainin nalang ng lupa sa kahihiyan.

"It's okay, August. It's weird though, I dreamt of us kissing and we're wearing old clothes"

Napalingon ako sa kanya

"I-Ikaw din?" tanong ko

"Huh? Bakit pareho tayo ng panaginip?" tanong niya

"Ano pa bang napanaginipan mo bukod doon?" tanong ko

"Anak daw ako ng doktor, may sakit ka daw doon at may pinuntahan tayong party at nagsayaw. It's really weird because the dream is so lucid" aniya

"A-Anong pangalan mo sa panaginip?" tanong ko. Posible bang pareho kami ng napapanaginipan?

Nagitla kami nang may nabasag

"Anak! Gising ka na!" ani Mama ni Alji na nabitawan ang hawak na pinggang may pagkain

Tumakbo siya na naluluha patungo kay Alji at pinaghahagkan ang mukha nito

"Mom, I missed you too. But enough of the kisses already" reklamo ni Alji

"Bakit? Nahihiya ka ba dahil nandito si August?" ani Tita Alena at tumango naman si Alji

"Ano iyong narinig kong nabasag?" ani Tito Janus, ang Papa ni Alji

Nagawi ang tingin niya sa lalaking nakangiti ngayon sa kanya

"Alji" aniya

Lumapit siya at yumakap sa anak

Kasunod ni Tito Janus si Mang Ruben at Nanang Sabel na muntikan na mahulog ang mga dalang pagkain

Nangiti sila nang makitang gising na si Alji

Nilapag nila ang pagkain sa mesa

"Happy Birthday anak!" ani Mama na may dalang cake, tulad ni Nanang Sabel at Mang Ruben ay muntik niya rin iyon mabitawan nang makita si Alji

Eighteenth Day of August (SLOW UPDATES) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon