Chapter 4: Secret Place

4 2 0
                                    

Kinakabahan ako, nanginginig ang kamay habang gumuguhit. Hinawakan ako ni Alji sa balikat, siguro napansin niya ang panginginig ng kamay ko.

Nginitian niya ako at para bang may dalang mahika 'yon dahil kasabay ng pagbuntong-hininga ko ay nawala ang kabang nararamdaman ko.

Tinutukan kong maige ang mga maliliit na detalye sa ginagaya kong litrato.

Isang litrato ni Miss Alfaro. Hindi ko pa pala nasasabi ang itsura niya, siya yung tipong maganda pero malaking babae kaya nagmumukha siyang amazona.

Ang litratong ginagaya ko ay kuha noong dalaga pa siya. Si Alji naman ang bahala sa pag-guhit ng paaralan.

Ngayon na kasi ang araw na magpapakita kami ng talento. Kita kong napatingin siya sa kanyang relo, ang mga kaklase namin ay pawang mga inaantok na.

Isang huling detalye at ang pirma ko

Tumingin ako kay Alji at sumenyas siya na ok sa pamamgitan ng pag-thumbs up, isang sign na tapos na siya.

"1, 2, 3" sambit niya at sabay naming pinakita sa lahat ang gawa namin

Nakayuko ako pero hinawakan ni Alji ang baba ko para humarap sa kanila

Kita kong nakanganga sila Nica at ang mga alipores niya, ang mga kaklase ko ay mga nakanganga at humanga, ang huli kong tinignan ay si Miss Alfaro

May hawak siyang class record at nakatingin sa gawa ko, nakita ko kung paano umangat ang gilid ng bibig niya

"Ngumiti si Miss" bulong sakin ni Alji

"Constantino at Galvez" tawag samin ni Miss Alfaro na nasa likuran. Sinenyasan niya kaming lumapit

Nanlalamig man ang kamay ko pero nagulat ako ng makipag-kamay siya sakin at kay Alji

Pinasilip niya ang grade namin ni Alji. Ganoon kasi talaga, pagkatapos ng performance at pinapakita niya ang grade sa nag-perform.

100

Nagkatinginan kami ni Alji, tuwang-tuwa kaming pareho pero bigla niya akong sinunggaban ng yakap at nakangiti siya

Tumigil kami at ibinigay kay Miss ang gawa namin

Umupo na kam at tinawag ni Miss ang sunod na sasalang

Si Trish at Bethany, bakit kaya hindi si Nica ang partner ng isa sa kanila at talagang silang dalawa pa ang nagsama?

Natawa ang lahat ng kumanta silang dalawa

Basag

"Pfft!" napatingin ako kay Alji na nakatakip ang bibig at nagpipigil ng tawa

Si Miss naman ay naka-kunot ang noo at nakatakip ang kamay sa kanang tenga

"Itigil niyo na!"
"Ang eardrums ko!"
"Maawa kayo!"

Matapos nilang kumanta---umiyak ay si Nica na ang sumunod, hindi ko kilala ang partner niya. Iilan lang kasi ang kilala ko dito, si Alji, Drew, Nica, Trish, at Bethany.

Kinanta niya ang isang hindi pamilyar na kanta, ang partner niya ay tumutugtog ng gitara

Humanga ako sa ganda ng boses niya, 'di tulad sa boses ng mga alipores niyang makabasag pinggan, ang kanya ay malambing.

"Trouble is a friend yeah trouble is a friend of mine"

Ibang iba ang boses niya pag kumakanta sa boses niya pag nagtataray siya

Pumalakpak ako ng matapos siyang kumanta at pati ang mga kaklase namin ay gano'n rin

Tumingin ako kay Alji na natutulog. Pinindot ko ang pisngi niya dahil baka makita siya ni Miss at bawiin ang grade

Eighteenth Day of August (SLOW UPDATES) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon