Chapter 15: Maximo

1 0 0
                                    

"Sampaguita po! Ate, Kuya bili ba po kayo"

Dahil wala naman kaming kasama sa bahay ay lumabas kami at nagsimba. Bumili si Alji sa batang nagtitinda ng sampaguita at nakita kong inabot sa kanya ng bata ang lahat ng tinda nito.

"Tara August" aniya at inakbayan ako saka kami naglakad. Nahigit ko ang hininga ko dahil sobrang lapit niya sa akin. Nakangiti si Alji na para bang walang pinoproblema sa mundo. Ni hindi nga halata na may sakit siya. Sadyang napakabilis ng tibok ng puso ko sa tuwing kasama si Alji.

Nang lumingon siya ay nag iwas ako ng tingin saka pinako ang mga mata sa daan.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko na lang

"Secret place" sagot niya

Matagal na rin kaming hindi nakakapunta doon. Ganoon pa rin kaya ang itsura ng lugar?

Makulimlim ang langit at nagbabadyang umulan, malamig rin ang simoy ng hangin.

Maraming nagkalat na patay na dahon at mga sanga sa nilalakaran naming lupa. Inalalayan ako ni Alji hanggang sa makarating kami sa harap ng lumang simbahan.

Ang ingay ng pagbukas ng malaking pinto ng simbahan ang tangi naming narinig.

Mas kumapal pa ang alikabok rito at pati ang loob ay may tumubo naring puno sa gitna ng simbahan.

Tulad ng dati ay kumuha si Alji ng matutungtungan at isinabit ang mga sampaguita sa mga poon.

Bigla namang umulan at dahil wala kaming dalang payong ay nanatili muna kami dito sa loob ng simbahan. Pinagpagan namin ang mahabang upuan ng simbahan at doon umupo.

"If only I can turn back time" aniya habang nakatingin sa crucifix "I'll avoid Padua so I can be normal again" labis na kalungkutan ang nararamdaman ko sa sinabi ni Alji. Humarap siya sa akin at sininop ang takas kong buhok at nilagay sa likod ng tenga ko.

"If I can turn back time, I'll never ever leave your side so there won't be an accident of you falling from the rooftop" sabi pa niya saka hawak sa pilat sa noo ko. Lumapit siya at hinagkan iyon na ikinainit ng pisngi ko.

Hanggang ngayon hindi parin kilala kung sino ang tumulak sa akin noon, sigurado akong may tumulak sa akin dahil hindi ko naman magagawang magpakamatay. Napaka walang kwenta kong anak kung ganoon, kung naisin kong magpakamatay ay paano ba si Mama.

"Alji, sa tingin mo sino ang tumulak sa akin sa rooftop?" tanong ko

Matagal bago siya nakasagot

"Bullies?" aniya

Natahimik ako. Posible ngang mangyari iyon. Pero sino? Si Nica o ang mga alipores niya?

Naalala ko ang pag punta ko sa paaralan. Ang pag-uusap namin ni Sir Denz.

Dalawa ang nawala doon. Si Nica at si Drew.

Hindi naman magagawa ni Drew sa akin iyon dahil naging kaibigan ko rin naman siya.

Siguro ay si Nica, dahil sa umpisa pa lang ay malaki na ang galit niya sa akin. Pero masama ang mambintang.

Napahikab ako at nakaramdam ng antok

"Sleepy?"

Tumango ako at pumikit. Pero marahang inilagay ni Alji ang ulo ko sa kanyang balikat at umakbay sakin. Kahit papaano ay nabawasan ang pagkaginaw ko.

"Matulog ka muna habang nagpapatila tayo"  aniya

Mabilis akong nakatulog ngunit hindi ko inaasahang babalik ako sa lumang panahon.

Eighteenth Day of August (SLOW UPDATES) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon