Isang babaeng magkukulam ang nagtungo sa mundo ng mga tao upang hanapin ang kanilang hari, ang kanyang ama...
Isang lalake ang nangangailangang pumatay ng isang maharlikang mangkukulam upang mailigtas ang nag aagaw buhay niyang ina...
Nagtagpo ang landas ng dalawang ito sapagkat kailangan nila ang isa't isa upang malutas ang kanilang mga problemang kinakaharap...
Ngunit hindi nila alam pareho na may nakatakdang mangyari kaya sila pinagtagpo pareho...
Papaano gagawin ng lalaki ang kanyang dapat gawin sa hari gayong wala na itong kapangyarihan?
Kaya niya bang pumatay ng isa sa kanyang mga mahal?
Dahil...
Upang mailigtas niya ang isa, kailangang mamatay ng isa.
Sino ang pipiliin niya? Ang ina na sobrang mahal niya, o ang babaeng nagpapatibok ng puso niya?
***
"Sorry pero wala na kaming magagawa sa mommy mo, all you have to do right now is to wait for her death."
Sabi ng doktor sakin dahilan para bumagsak ang balikat ko kasabay ng pag guho ng mundo ko.
Si mommy nalang ang natitira sakin mawawala pa? No, not her please, kahit ako nalang.
Unti unting tumulo ang luha galing sa mata ko. She's the one I treasure the most, my dad already passed away. Namatayan rin ako ng kapatid, and now si mommy naman?!
"Doc, why can't you find out what's her illness is?!"
"I don't know either Mr. first time naming makaencounter ng ganyang pasyente, wala kaming maibibigay na lunas sapagkat hindi rin namin alam kung ano ang sakit niya."
Hindi ko maintindihan kung bakit walang findings ang doktor about sa sakit niya. Sumpa ba 'to? Naging mabait naman akong tao ah? Why me? Bakit sa dami ng tao sa mundo si mom pa ang natamaan ng hindi malamang sakit na ito?
Lutang akong lumabas ng room ng mommy ko, she's already lying there for a month. Ni wala akong ideya kung bakit siya nagkaganyan. Huli ko siyang nakitang tumatayo, nagsasalita, kumakain, tumatawa nung pumunta kami sa I don't know kung saan yun pero magical place.
Pagkauwi namin ganyan na siya. Malakas ang kutob ko na may kinalaman yung lugar nayun sa mommy ko. Iilan lang ang nakakaalam ng place nayun, and all of them tells the same story, na ang place na yun ay puno ng mga hindi pangkaraniwang nilalang. They said they were witches and wizards, ewan kung maniniwala ako. By the looks of the place maiisip mo talagang hindi ito normal.
Dahil lutang ako hindi ko namalayan na nasa canteen na pala ako ng hospital. I bought everything that I needed. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, marami na kaming hospital na napuntahan, pero walang may tumatanggap samin, kasi raw wala namang sakit. So ano yun? Natulog lang siya ganun?
"Oww!" Daing ko nang may mabangga akong matandang lalaki dahilan para mahulog ang mga pinamili ko.
"Pasensya na iho." Paumanhin niya at tinulungan akong pumulot sa mga nalaglag kong pinamili
"Ayos lang ho, kasalanan ko naman pong hindi tumitingin sa dinadaan ko e." Sabi ko at lalampasan ko na sana siya.
"Iho.." Medyo kinabahan pako sa boses niya,parang ang seryoso tapos ang lalim pa ng boses niya. Uwaaah mommyyyyy!
"P-po?"
"Kailangan mong bumalik sa lugar na iyon para makakuha ng lunas" After he said that nalaglag ang apple na binili ko kaya dali dali ko itong pinulot.
"Saang lug-- " Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil pag angat ko nang tingin wala na yung matandang lalaki.. w- wait did he disappeared?! Wala akong makitang matandang lalaki sa hallway, only the nurses na may dalang pasyente. W-what was that?
Dali dali akong bumalik sa room ni mom, puno ng pagtataka ang mukha ko at maraming bagay ang pumasok sa isip ko. Did he mean that place?
Nabuhayan ako ng pag asa dahil sa mama. May pag asa ka pa mommy. Just wait, may lunas na ang sakit mo..And by that I held her hand and kissed the back of it. Pupunta ulit ako sa lugar na 'yon..
***
"Paano namatay si ama?!" Humagugol ako sa iyak nang marinig ko ang balitang namatay ang aking ama.
"Hindi rin po namin alam mahal na prinsesa." Sagot ng aking alalay.
"Pero diba may dugong maharlika si ama?! Bakit hindi siya nabuhay muli at naging tao?!" Hindi ako nila sinagot yumuko sila.
Akala ko ba mabubuhay ang isang katulad ko, isang maharlika sa anyo ng tao kung mamamatay? Pero bakit si ama?!
Lumapit sa akin ang isa sa pinagkakatiwalaan ni ama, may binigay siya sa aking aklat. Ito ang aklat ng mga katulad ko, malalaman mo rito ang lahat.
"Nakasaad po riyan ang gusto mong malaman, mahal na prinsesa." Sabi niya at umalis sa harap ko.
Umiiyak akong bumalik sa aking silid dala dala ko ang aklat na ibinigay ni ginoong Bullet sa akin.
Pagkarating ko binuksan ko agad ito at binasa.
"Livre des sorcières" Basa ko sa kanyang pamagat nakasulat ito sa parang mga guhit na tanging mga mangkukulam lang ang makakabasa.
"Ce que vous voulez savoir, vous le saurez.." Ngayon ko lamang nalaman na tatlong pahina ang pala ang librong ito hindi halata kasi makapal.
Kung ano ang iyong ninanais namabatid ay iyong malalaman? Ibig sabihin kung ano lamang ang gusto kong malaman, iyon lang ang lalabas.
"La sorcière mourra si elle s'engage dans un homme mortel.(Ang mangkukulam ay mamamatay kung makikipagtalik ito sa mortal na tao.)" Gumuhit lamang iyon, walang guhit ang pahinang ito kanina. At ito nga ang gusto kong malaman. Ibig sabihin nakipagtalik si ama sa mortal na tao?!
May gusto pa akong malaman.. naging blanko ulit yung pahina at may gumuhit nanamang panibago roon.
"Une sorcière peut survivre s'il y a un noble sang, mais dans la nature d'une personne mortelle. Ses soucis seront également perdus.(Mabubuhay ang isang mangkukulam kung may dugo itong maharlika, ngunit sa katauhan ng isang mortal na tao. Mawawala rin ang kanyang mga alala.)" Ibig sabihin buhay ang aking ama, ngunit hindi niya lamang ako maalala.
Isasara ko na sana ang aklat nang may gumuhit bigla rito.
"Le sang d'un noble est le remède contre la douleur qu'un sorcier a des relations sexuelles avec un homme mortel." Hindi ko iyon pinansin, sinara ko ang aklat dali daling lumabas ng akong silid.
Kailangan kong hanapin si ama..
To be Continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/171518968-288-k103189.jpg)
BINABASA MO ANG
Surreptitious Plan
Fantasy"I can do everything for my mom, I love you but you're the trade of her life."