Prince's POV
"G-gising na.." Nagdadalawang isip pako kung gigisingin ko ba siya o hindi, ang himbing ng tulog niya e.. Para siyang dyosa na natutulog ansarap hali---
"Hmm.." Sa wakas nagising rin siya, sinundot sundot ko kasi yung cheeks nya na sobrang lambot dagdagan pa ng pagkarosy neto dahil siguro kanina sa adventure namin maputi pa naman siya. At hindi normal na kaputian.
"N-nandito na tayo." Nauutal pako at hindi makatingin ng deretso sa kanya, natutukso ako puteks.
Hindi ko alam kung bakit namumutla siya.. geez anong nangyare sa kanya?
"P-paano buksan i-to?" Hindi ko alam kung anong nangyayare sa kanya bakit siya nagmamadaling lumabas..
Binuksan ko ito at dali dali siyang lumabas at...
SUMUKA?! -.-
..
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Napatawa ako ng malakas at napahawak pa ng tyan ko, siguro hindi siya sanay HAHAHAHA.
bumaba ako ng sasakyan at tinap ang likod niya kahit natatawa ako, buti nalang talaga hindi siya sumuka sa loob ng sasakyan.
"Oh ano ayos ka na ba?" Tanong ko pagkatapos niyang sumuka pft.
"O-oo nasaan na pala tayo?" Tanong niya at nilibot ang tingin sa paligid, nasa Manila na kami, at gabi na kami nakaabot dito sa bahay.
"Nandito na tayo.." Saglit akong tumingin sa bahay namin saka siya hinarap ulit..
"Sa bahay namin, sa mundo namin."
"B-bahay? Iyan?" Sabi niya at tinuro pa yung bahay namin at hindi makapaniwala.. haha siguro ngayon lang siya nakakitang bahay na gaya niyan.
"Haha, oo tara na sa loob." Sabi ko at naunang pumasok sa kanya, may maglilinis naman sa kalat niya jan.
Nakita ko ang pagkamangha sa mata niya pagpasok niya sa bahay namin..
"Napakagandang tahanan, kahit ibang-iba sa tahanan namin sa aming mundo." Saad niya, nandun paren ang pagkamangha sa mukha nya..
"Sumunod ka sakin, ihahatid kita sa magiging kwarto mo."
Nakita ko naman sa peripheral vision na sumusunod siya sakin.
Umakyat ako pataas at ramdam kong nakasunod siya sakin.
"Napakalaki ng inyong tahanan, naaalala ko ang aming palasyo sa aming mundo." Nagtaka naman ako, aming palasyo?
Hindi ko nalang pinansin yun dahil nakarating na kami sa guessroom..
"Arayyy." Daing niya, hindi niya siguro namalayang nakahinto na ako dahil kung saan saan siya tumitingin.
"Pasensya na hindi ko kasi namalayang huminto kana pala" Paumanhin niya sakin, ang cute niya talaga sarap kurutin sa pisnge e!
"Ano ka ba, ayos lang namangha ka lang siguro talaga sa bahay namin" Sabi ko at nginitian siya..
"Ito pala ang magiging kwarto mo habang mamamalagi ka dito sa mundo namin, saka ituring mong parang tahanan itong bahay namin" Sabi ko at ngumiti ulit.
"Salamat" Sabi niya at ginantihan ako ng matamis na ngiti.
"M-matulog ka n-na.." Nauutal kong saad, at hindi ko rin alam kung bakit ako nauutal.
"Sige, magpahinga ka na rin." Sabi niya at pumasok na sa kwarto.
Pumasok narin ako sa kwarto ko na may ngiti sa labi, at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit.

BINABASA MO ANG
Surreptitious Plan
Fantasy"I can do everything for my mom, I love you but you're the trade of her life."