Prince's POV
Kanina pa nakamulat ng bahagya ang mata ko kay Xena habang pinapanood ko siyang kumakain.
Antakaw ng isang 'to grabe naubos na niya ang good for three meals na binaon ko at ngayon chocolates nanaman nilalantakan niya. Seryoso? May dragon siguro sa loob ng tyan niya eh.
"Kanina ko pa napapansing titig na titig ka saakin." Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita, inangat niya ulo niya dahilan para makita ko ang kabuoan ng mukha niya.
"HAHAHAHAHA!!!" Hindi ko mapigilang matawa sa mukha niya haha!
"Anong nakakatawa?" Tanong niya kumunot pa noo niya e, ang cute lang.
"W-wala naman hahaha."
Nilapit ko mukha ko sa mukha niya at nakita kong nabigla siya..
Hahawakan ko na sana ang mukha niya para linisin nang nagbigkas siya ng hindi ko maintindihang lingwahe.
"Oww! Argh, sh*t ansakit" Saad nang tumilapon ako palabas ng tent ko.. Nalimutan kong hindi pala siya tao, dapat nag iingat ako.
Agad siyang lumabas ng tent at nakita kong puno ng pag aalala ang mukha niya.
"A-yos ka lang ba? Pasensya na, h-hindi ko sinadya."
"It's okay, I should be careful next time, knowing that you're not human." I said at medyo natatawa paren sa itsura niya mukhang pusa e haha.
"H-ha?" She just said na para bang walang may naintindihan sa mga sinabi ko, ganun ba sila? Walang alam sa English?
"Ah wala, sabi ko linisin mo ang mukha mo, hindi ka na kasi mukhang tao e haha." Ano ba pinagsasabi ko? Hindi naman kasi talaga siya tao.
Kinapa naman ang mukha niya at naramdaman niyang malagkit iyon kaya dali dali siyang pumunta sa ilog malapit sa pinag put-up'an ko ng tent.
Tinignan naman niya saglit ang repleksyon sa tubig at dali daling naghilamos, haha!
"Siya nga pala ginoo--" I cut her
"Prince, hindi ginoo."
"P-prince, bakit ka naparito sa lugar na 'to? Ano ang iyong pakay?"
"Kailangan ko kasing makahanap ng isang maharlikang mangkukulam, pwede mo ba akong tulungan?" Agad kong sagot ko sa kanya.
"Ang hari ay isang maharlikang mangkukulam gin-- Prince, at siya rin ang kasalukuyang hinahanap ko. Maaari tayong magtulungan, ngunit ano ang iyong pakay sa kanya?" Natahimik ako sa tanong niyang iyong, paano nalang kung malaman niya na kailangan kong makapatay ng isang maharlikang mangkukulam? and worst is hari pa nila, malay niyo kaya hinahanap ni Xena ang hari nila para protektahan, tapos si Xena pala ang taga-protekta ng hari at kung sino mang manakit sa hari papatayin niya.
Aish, kung ano ano naiisip ko..
"P-prince? Sagutin mo ang aking tanong, ano ang iyong pakay sa hari?"
Sasabihin ko ba?"K-kasi nanganganib ang m-mommy ko, k-kailangan niya ng g-gamot na dapat g-galing sa h-hari." Nauutal na saad ko, at obviously hindi ko sinabing kailangan kong pumatay, na kailangan kong patayin ang hari.
"Wala nang kapangyarihan ang hari, tuluyan na siyang naging tao Prince." Sabi na ikinalumo ko. Ibig sabihin nun walang saysay ang pagpunta ko dito?
"Ngunit maaring magbalik ang kanyang kapangyarihan kung maibabalik ko siya sa mundo namin, kaya maari mo ba akong tulungan?" Dugtong niya kaya muling nabuhay ang pag asa ko.
"Magtulungan tayo." Biglang sambit ko..
Umiyas ako nang tingin dahil tinititigan niya ako ng deretso sa mata na may halong seryoso ang mukha.
"Sige." Sagot niya at ngumiti.. yung ngiting kayang magpatunaw..
nvm -.-
"Saan nga pala natin siya hahanapin?" Pag iiba ko ng usapan, baka matuluyan pako sa mga ngiti niya e, mahirap na.
"Hindi ko alam kung saan ang insaktong lugar dahil silid lamang ang nakita ko na puro kulay puti ang paligid." Mukhang alam ko na kung ano ang ibig sabihin niya..
"Ano pang meron sa lugar na 'yon?" Tanong ko.
"May babaeng nakahiga sa silid na iyon, at maraming nakakabit sa kanya na kung ano ano.."
Aparatus..
"Tapos nandon ang hari, nakadungaw sa babaeng nakahiga roon." Ahh kaya pala, akala ko naman kung nasaan ang hari nila e babae yung nakahiga, siguro bumibisita dun ang hari nila. Sino kaya yung babae? hayst naalala ko tuloy si mommy, she's also lying in the hospital. I hope she's fine.
Hindi na ako magtataka kung paano nita nakikita ang mga taong wala sa paligid niya, malamang ginamitan niya ng salamangka.
"Alam ko na kung nasaan yun." Sabi ko na ikinaliwanag ng mukha niya.
"Talaga? Halika na't ating puntahan!" Dali dali siyang tumayo at hinigit ang kamay ko, nakaupo kasi kami obvious ba?
"No, susulitin ko muna ang last day ko dito." I said.
"H-ha?" Haha ang cute niya! hindi niya siguro nagets ang buong sinabi ko!
"Haha wala, sabi ko susulitin ko muna ang pamamalagi ko dito, kahit ngayong araw nalang." Sabi ko at nginitian siya, dapat pala iwasan ko nang umenglish hehe.
"Ahh.."
"May alam ka bang lugar na magandang puntahan dito?" Tanong ko baka kasi marami siyang alam na lugar dito, tutal babalik naren kami bukas ng syudad susulitin ko na.
"Hindi ko alam e, pangalawang pagkakataon ko palang kasi itong makalabas mula sa aming mundo, pero kahapon meron akong lugar na napuntahan at sigurado akong magugustuhan mo 'ron" Sabi niya at ngumiti nanaman, f*ck that smile lagi nalang, hindi ba niya alam na may nahuhu--- -.- at kelan pako naging madaldal?
"Puntahan na natin! Habang maaga pa" Sabi ko at nagsuot ng sapatos.
Tinignan ko naman ang suot niya..
-.-
Ngayon ko lang napansin na parang tela lang yung suot niya tapos parang kinabit lang srly? -.-
Tapos yung paa niya wala ni tsinelas, hindi ba nagkakasugat yan? Siguro may healing powers naman sila."Ayos na yang suot mo?" Taas kilay kong tanong sa kanya, sa tingin ko palang hindi nako komportable, mag aadventure kami at hindi aattend ng program na ang theme ay Gods and Goddesses.
"Ano ba ang mali sa aking kasuotan?" Inosente niya akong tinignan na para bang nagsasabing sanay na sya sa suot niya.
"Aish nevermind! Basta siguraduhin mong hindi yan maano!"
"Ano ang iyong naunang sinabi? hindi ko naintindihan." Nalimutan ko pure Filipina pala 'tong nasa harap ko _ _'
"Wala, wala halika na, nasaan bayun?"
Hindi niya ako sinagot at naglakad nalang, sana naman hindi niya ako ililigaw nuh? Di ko pa naman kabisado ang lugar na 'to, tapos wala pang bahay dito. Sana nga.
May tiwala naman ako sa kanya kahit alam kong iba siya.
To be Continued...

BINABASA MO ANG
Surreptitious Plan
Fantasi"I can do everything for my mom, I love you but you're the trade of her life."