CHAPTER TEN

3 4 0
                                    

Xena's POV

"Kadmus.." saad ko nang maaninag ko ang isang pigura ng tao sa labas ng silid na pinasukan ni Prince..

Agad siyang nagtungo sa labas kaya sinundan ko siya..

Bakit siya narito sa mundo ng mga tao? Ano ang kanyang pakay? Iniwan ko pa naman sa kanya ang kaharian.

Nakita ko siyang huminto kaya napahinto rin ako.

Paglingon niya nag ibang anyo na siya, hindi na siya si Kadmus..

Hinarap niya ako na may ngisi sa labi..

"Diba't pinabantayan ko sa'yo ang palasyo? bakit ka naririto sa mundo ng mga tao?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Hay nako Prinsesa, hanggang ngayon nagmamaang maangan ka parin, alam mong tinatraidor na kita pero hinahayaan mo lang.. Planado itong lahat" Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya, ako tinatraidor niya? sa anong paraan? hindi ko maintindihan.

Hindi ako makapaniwala, sa tagal ng aming samahan hindi ko aakalaing tatraidorin niya ako..

"..Nagtungo ako sa mundo ng mga tao upang wakasan na ang iyong buhay mahal na prinsesa, para tuluyan nang mapasa akin ang ating mundo. Ako na ang maghahari" Tinignan ko ang mga mata niya, hindi siya nagsisinungaling pero bakit niya nagawa sa akin ito? sa amin ni ama?.

"Bakit?" Yun lang ang salitang lumabas sa aking bibig.

Tumawa siya na parang demonyo.

"Simple lang, dahil gusto kong angkinin ang ating mundo. At siya nga pala, hindi ako ang papatay sayo, kundi ang pinakamamahal mong taga-lupa." Sabi niya at may nilingon sa aking likuran..

Napalingon ako roon.

"Prince.." Sambit ko sa pangalan niya..

Ibig sabihin..

"Tama ang iyong naisip mahal na prinsesa, papatayin ka niya.. dalawa kami ang makikinabang.. ako maghahari sa kaharian tapos siya--" Hindi ko na siya pinatapos at agad na dinala sa taas.. ayokong sa lupa kami maglalaban, marami ang maapektuhan.

"Argh!" sigaw ko nang bigla niya akong tinira ng maliit na karayom..

Agad ko itong hinilom dahil alam kong may lason iyon..

agad ko siyang tinira ng aking kapangyarihan ngunit nakailag siya..

"Des milliers d'aiguilles, attaque-la. " Sambit niya at may biglang lumitaw na mga karayom papunta sa akin..

Sa sobrang dami nito hindi ko lahat naiwasan..

"Ventilateur. " Sambit ko at inilabas ang akin pamaypay at agad ko itong ginawang panangga sa paparating na karayom.

Sa dami ng aking inilagan hindi ko napansing nakalapit na pala siya sa akin at agad akong sinuntok sa sikmura, pero wala lang sa akin 'yun ininda ko at agad na hinawakan ang kamay niya at agad na pinalupot sa sarili niya.. pero malakas siya at agad niyang nakuha iyon at nakalayo ng kaunti sakin..

"Tsk, ako ata ang nagturo sa'yo kung pano lumaban" pagmamayabang niya at pinalabas ang kanyang espada.

Agad ko ring nilabas ang aking espada at agad na sinangga ang espada niya dahil agad niya akong sinugod..

Nagpalitan kami ng atake, mabilis niyang nasasangga ang mga atake ko, siguro dahil alam niya na kung paano ako gumalaw.

Sinipa ko siya sa tyan kaya napalayo siya ng kaunti..

Agad kong winala ang espada at agad na nilabas ang aking pana at mabilis ko itong tinira sa kaniya..

Hindi na ako nagulat nang saluhin niya ito.

Napangisi naman ako sa aking isipan. May lason iyon, kahit hawakan mo lang mamamatay ka.

"Iyon pa talaga ang ginawa mo, ang ensaktong tinuro ko sa'yo.. pero wag kang mag alala mahal na prinsesa, hindi naman kita papatayin dahil kita mapapatay.. hindi ako, kundi siya" Sabi niya at tinuro si Prince na nakatalikod sa amin.

Hindi ko napansing gumawa pala siya ng bola ng kapangyarihan at agad itong itinira sa akin..

"ARGHHH!" Sigaw ko dahil hindi ko naiwasan ang tira niya dahilan para mahulog ako..

Ilang minuto pa pero hindi ko naramdamang tumama ako sa lupa, sinalo niya ako...

"Prince.." saad ko at tinignan siya sa mata..

"Sorry sa gagawin ko.." Sabi niya at may pumatak na luha galing sa mga mata niya..
Alam kong papatayin niya ako para makakuha ng lunas para sa kaniyang ina, iyon ang nakasaad sa libro. Lahat nalaman ko. Kaya niya hinahanap si ama upang patayin, ngunit wala nang kapangyarihan si ama kaya ako ang magiging kapalit. 

Kahit gulong gulo pa ako kung ano ang koneksyon ng ina niya sa ama ko, hinayaan ko nalamang iyon dahil mawawala narin ako.

Hindi na ako manlalaban, ayoko siyang labanan, ayokong labanan ang isang taga-lupang walang laban at ang taga-lupang aking iniibig.

Pumikit ako at naramdaman ko ang matalim na bagay na binaon niya sa dibdib ko.. at naramdaman ko nalang ang aking katawan na unti-unting nawawalan ng enerhiya..

Ito na ang aking katapusan..

Prince's POV

Mas dumami pa ang tumulong luha galing sa mata ko dahil unti-unting naglalaho si Xena at may nakita akong maliit na bote na kulay ginto at kumikinang.. ito na siguro ang lunas..

Ang kapalit niya.

Agad kong nilingon si daddy pero hindi na si daddy ang nakita ko, kundi ibang tao.

Unti-unti rin siyang naglalaho.. at hindi ko alam kung bakit.

Ibig sabihin, hindi talaga siya ang daddy ko? niloloko niya lang ako? akala ko pa naman buhay talaga si daddy hindi pala.

Bakit hindi mo ako pinigilang patayin ka?

Pinahid ko ang luha at tumayo, hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, dapat nga matuwa ako.

Pero hindi ko matanggap. Hindi mawala sa isip ko na pinatay ko siya.

Patakbo kong tinungo ang room ni mommy, pumasok ako dun kahit pinapalibutan siya ng doktor at nurses.

"ALL OF YOU!! LEAVE THIS ROOM NOW!!" Sigaw ko nakita ko naman ang takot sa mga mata nila kaya wala silang nagawa kundi ang lumabas.

"P-rince *sobs* nababaliw k-ka na ba? *sniff* ginagamot si mama! c-critical si mama! *sniff* bakit mo sila pinalabas? huhu" Hindi ko pinansin si ate, agad kong pinainom kay mommy ang laman ng bote, kulay ginto rin ito.

"A-ano yan? *sniff*" Tanong niya.

Hindi ko siya sinagot, nakita kong nagulat siya nang kumalma ang katawan ni mommy at unti-unti nang bumalik ang dati niyang kulay.

"A-anong nangyare Prince? a-ano yun?" naguguluhang tanong ni ate pero hindi ko siya sinagot at umiyak..

"Prince? anong nangyayare sayo? bat ka umiiyak? Hindi ko alam kung saan galing yung pinainom mo kay mama pero thank you kasi ligtas na siya.."

"..kung ano man ang dahilan mo bakit ka umiiyak, okay lang yan. Atleast gumaling na si mama." 

Ansakit.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa bisig ni ate dahil sa iyak at pagod, at dala rin ng halo-halong emosyon..

I'm really sorry Xena.. I love you.

***
A/N

Thanks for reading(as if meron). Epilogue na next!

Surreptitious PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon