CHAPTER SIX

3 4 0
                                    

Third person's POV

Habang naglalakad, hindi mapakali si Xena dahil kanina niya pa nararamdamang may nakasunod sa kanila.. walang tao sa paligid dahil medyo liblib ang dinaanan nila.

Kahit hindi iyon dama ni Prince nababahala rin siya sapagkat iba ang ihip ng hangin habang naglalakad silang dalawa.

"B-bilisan natin ang paglalakad." Saad ni Xena sa binata..

Binilisan naman nila ang paglalakad ngunit, biglang may naramdaman silang malakas na ihip ng hangin sa gilid ni Prince at saka sumulpot sa harap nila ang isang lalaki'ng hindi kilala ni Prince, ngunit kilalang kilala ito ni Xena..

"Prinsesa, nandito ka pala sa mundo ng mga tao.." nakangisi nitong sabi habang nakabaling ang tingin kay Xena.

"Prinsesa?" Takang bulong ni Prince sa sarili..

'Ibig sabihin isa siyang maharlikang mangkukulam?'  Sabi ng binata sa kanyang isipan.

"Crunos.. hindi ko alam na narito ka lang pala nagtatago.."
Huminto saglit ang prinsesa sa pagsasalita at ngumisi ng nakakaloko

"..matagal ka nang hinahanap sa palasyo sapagkat gusto ka nang patayin ng lahat"
Naiyukom naman ni Crunos ang kanyang kamao at biglang humangin ng malakas, kung kanina lang tirik yung araw.. ngayon biglang dumilim ang kalangitan

"Umatras ka.." Seryosong saad ni Xena kay Prince.. napaatras naman ang binata dahil nanibago siya sa dalaga.. ibang iba ito sa nakilala niya.. para itong ibang tao. Este mangkukulam.

"Masasabi ko bang maswerte ako sapagkat makakalaban ko ang isang prinsesa?" Gumuhit ang ngisi sa labi ni Crunos ngunit nawala ito pagkakita niyang ngumisi rin na parang demonyo ang prinsesa.

"Magiging isang karangalan ito para sa 'yong mababang uri ng salamangkero.. walang wala ka sa kakayahan ko, alipin." Dahil sa sinabi ng prinsesa agad siyang sinugod ni Crunos ng isang espesyal na kutsilyo.

Pero dahil mabilis kumilos ang prinsesa hindi niya napansing nasa likod na niya ito.

"Argh!" Daing ni Crunos ng tinusok ng prinsesa ang kanyang kuko sa likod nito, hindi lamang ito bastang kuko lang dahil hinaluan niya ito ng salamangka.

Hindi naman makapaniwala si Prince sa kanyang nasasaksihan, nakapawang bibig lamang siya sa isang tabi habang nanonood sa dalawang mangkukulam na naglalaban.

"Ipakita mo sa akin ang galing mo, alipin." Sinasadya ng prinsesa na tawagin siyang alipin upang ipakita ang galing nito sa pakikipaglaban, sa paraang iyon gaganahan siya.

Kilala si Crunos bilang mamamatay mangkukulam sa kanilang mundo, kaya alam niyang hindi ito basta basta'ng kalaban kahit alipin lamang ito.

"Ako ba ang hinahamon mo prinsesa? Wag kang mag alala, hindi pa nagsisimula ang totoong laban." At muling gumuhit ang nakakalokong ngiti sa labi nito..

Napangiti naman ng palihim ang prinsesa, ngayon mas gaganahan siyang lumaban.

Biglang lumakas ang hangin...

isa ito sa kapangyarihan ni Crunos

Napatakip naman ng mata at ilong si Prince dahil sa mga alikabok na tumatama sa mukha niya dala ng malakas na hangin..

Nagpalipad ng tatlong kutsilyo si Crunos sa ere at kinontrol ito papunta Xena.

Hindi gumamit ang prinsesa ng kapangyarihan upang sanggahin ang mga ito sa halip iniwasan niya lamang ito, naging madali lang sa kanya ang pag iwas dahil mabilis siyang kumilos..

Napangiti si Crunos dahil hindi nakita ng prinsesa ang isa pang kutsilyo na papunta mismo sa mukha niya.

Pero mabilis ang repleksyon ng prinsesa nahuli nya ang kutsilyo gamit ang dalawa niyang daliri.

Napawi ang ngiti sa labi ni Crunos at napalitan ito ng inis dahil akala niya matatamaan niya na ang prinsesa.

Bumigkas ng hindi maintindihang salita si Crunos at nagpalabas ng kulay abong kapangyarihan sa kanyang kamay at sunod sunod itong tinira sa prinsesa.

"" Bigkas ng prinsesa at agad lumabas ang barrier na pumapalibot sa kanya at lahat ng tira ni Crunos ay bigla lang naglaho.

"Iyon lang ba ang kaya mo?" Asar pa nito kay Crunos.

"Wag mokong maliitin prinsesa." Saad nito at saglit na umilaw ang mata niya at hindi ito nahalata ng prinsesa kaya hindi niya napaghandaan ang sunod na ginawa ni Crunos.

"AHHH!" Sigaw ng prinsesa dahil biglang may pumulupot na hindi makitang bagay sa buong katawan niya.

"X-xena" Bulong sa sarili ni Prince hindi siya makasigaw parang tinamaan siya ng salitang 'takot' dahil alam niyang wala siyang laban sa mga mangkukulam dahil tao lamang sya. Parang hindi sya makagalaw sa kinatatayuan niya.

"Yan ang napapala ng pagiging mayabang mo prinsesa, minaliit mo ang kakayahan ko" Ngisi nitong saad.

"Ngayon na ang magiging katapusan mo, akalain mo yun? isang alipin lamang ang tatapos sa isang prinsesa."

"Andami mong dada." Walang ganang saad ng prinsesa.

"Tsk, mayabang ka talaga prinsesa, mamamatay ka na ganyan ka parin." Napangisi ang prinsesa dahil walang kamuwang muwang si Crunos sa nangyayari sa katawan niya dulot ng pagtusok ng dalaga ng kanyang kuko rito. Walang mararamdaman ang biktima, ngunit unti-unti nitong pinapatay ang katawan niya. Saktong ilang segundo nalang eepekto na ito.

Nainis nang tuluyan si Crunos dahil kahit mahirap ang sitwasyon ng dalawa nagawa pa nitong ngumisi.

"Magpaalam ka prinsesa, dahil ito na ang katapusan mo" Saad ni Crunos at gumawa ng madaliang ritwal, nakagawa siya ng isang napakalaking bilog na kulay abo at hinandang itira iyon sa prinsesa.

"Pasensya na, ngunit mauuna ka." Pagkasabi at pagkasabi nito ay biglang nawala ang bilog na kapangyarihang ginawa ni Crunos na labis niyang ikinataka, malaya na 'ring nakagalaw ang prinsesa na para bang nawala ang kapangyarihan ni Crunos.

"A-anong nangyayare?" Kinakabang tanong nito sa prinsesa.

"Simple lang, mawawalan ka na ng kapangyarihan, at mamamatay ka na bilang isa sa amin.." saglit niya itong tinignan

"..mayabang ka rin, naging kampante kang matatalo mo ako, baka nakakalimutan mo isa akong prinsesa." Patuloy nito sa sasabihin.

"Pero papaano?" Taka ulit nitong tanong.

"Marami ka pang katanungan, subalit hindi ko na masasagot iyon sapagkat maglalaho ka na bilang mangkukulam Crunos, paalam"

"Hindi! HINDIII!" Hindi makapaniwalang sigaw nito ngunit naglaho na siya at naging abo kanyang katawan at sumama sa ihip ng hangin.

Bumalik naman sa normal ang lahat.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ng dalaga sa binatang hanggang ngayon tulala parin at parang hindi makapaniwala sa nangyare. Nagtaka ang dalaga dahil parang may naramdaman siyang barrier na nakapalibot ni Prince at unti-unti itong naglalaho, hindi iyon galing sa kanya at hindi niya iyon makita.

Pero hinayaan nalamang niya iyon

Hindi siya nito sinagot dahil tulala parin ito, kaya napilitan ang dalagang burahin ang mga ala-ala nito tungkol sa nangyare at iniba ang detalye ng pangyayare.

"Nandito na tayo!" Sigaw ni Prince nang makarating sila ng kanilang bahay, ang alam niya normal lang ang lahat hindi niya naalala ang nangyare kanina sapagkat binura ito sa kanyang mga ala-ala.

"Ah-oo, oo" Nakangiting sagot ng dalaga.

At pumasok na silang dalawa sa loob.

"Tsk, bobo ka Crunos, sabi ko sundan mo lang at hindi ko sinabing atakehin mo."  Saad ng misteryosong lalake habang nakatingin sa dalawang taong papasok ng bahay.

To be Continued...

Surreptitious PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon