CHAPTER ONE

5 6 0
                                        

Xena's POV

Kasalukuyan akong nag iisip kung ano ang aking gagawin para mahanap ang aking ama dito sa aking kinauupuan, sa trono ni ama.

"Mahal na prinsesa, nahanap na po namin ang mahal na hari" Nabuhayan ako ng loob at iniangat ang aking tingin kay Kadmus, ang kanang kamay ng aking ama.

"Nasaan siya?" Tanong ko rito, lumapit siya sa akin at nagbigkas ng mga salita, may lumabas na mahika mula sa kanyang kamay at pumorma ito ng bilog na kulay bughaw.

Inilabas roon ang kinaroroonan ni ama at ang kasalukuyan niyang ginagawa. Hindi siya nakadamit pang hari, sa halip ay nakabihis tao siya.

Hindi pamilyar ang lugar na iyon, puro puti, at nakatingin siya sa babaeng nakahiga sa isang silid.

Ano ang ginagawa ni ama riyan? Saan ang lugar na iyan? sino ang babaeng kanyang sinisilip?

"Maari mo ba akong dalhin sa lugar na iyan Kadmus?" Kailangan ko nang ibalik dito si ama. Kailangan siya dito sa kaharian namin.

"Ipagpaumanhin mo mahal na prinsesa, ngunit hindi natin magagamit ang ating mahika para makapunta roon, iba ang kaharian natin sa mundo ng mga mortal, maaari lang nating magamit ang ating mahika dito sa loob, maaari rin sa labas, ngunit hindi pwedeng kumonekta pareho. Kailangan nating makalabas dito gamit ang lagusan, dahil hindi gagana ang mahika natin sa labas kung narito tayo sa loob." Paliwanag ni Kadmus.

"Lalabas tayo ng lagusan ngayon din." Matigas kong sabi.

"Ngunit mahal na prinsesa, napakadelikado ng lugar na i-- " Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin.

"Mag isa akong lalabas."

"Ngunit mahal na prinse-- "

"Dalhin mo ako sa lagusan ngayon din!" At sa isang iglap nasa gubat na kami, malabahaghari ang kulay ng hamog. May mga paro-parong lumilipad sa paligid, maaamoy rin ang halimuyak ng nag-gagandahang bulaklak. Napakaganda.

"N-nandito na tayo mahal na prinsesa"

"Nasaan ang lagusan?" Tanong ko sa kanya, wala akong makitang pinto o portal dito, nasa harap lang namin ay mala-bahagharing hamog at hindi matanaw ang nasa likod nun, para bang ito na ang dulo ng aming kaharian.

"Tanging maharlika lamang po ang makakapagpalabas nun." Ani ni Kadmus.

"Paano?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa aklat po iyon" Yung aklat.

Agad kong kinumpas ang aking kamay at lumabas rito ang aklat.

Agad kong binuklat ito at may naguhit roon.

"Ouvrir" At pagkasambit ko ng salitang iyon lumabas ang malagintong pinto, nasa gitna lamang ito ng mga hamog at lumitaw bigla, parang naroon na siya kanina pa ngunit hindi lang namin nakikita.

"S-sigurado na po ba kayo sa inyong desisyon mahal na prinsesa?" Hindi ko siya sinagot. Buo na ang aking pasya.

"Ikaw na muna ang bahala sa kaharian Kadmus, ipinagkakatiwala ko sa iyo ang lahat." Sabi ko at pumasok sa lagusan nang walang paalam

"Mag iingat po kayo roon." Iyon ang huli kong narinig sa kanya at biglang naging hamog ang paligid, kulay puti ito at hindi katulad nang kanina, nilingon ko sa likod ang pintuan ngunit wala na ito roon. Wala rin akong makita kaya naglakad lakad ako. Hanggang makaabot ako sa parte na wala nang hamog, normal lang ang paligid, may mga paru- parong lumilipad ngunit hindi na katulad kanina, iilan na lamang sila at normal ang kanilang kulay. May mga puno ring matataas, nasa gubat ba ako?

Surreptitious PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon