Prince's POV"Aaaah!!!" Napasigaw ako nang may makita akong baboy, napakalaking baboy.
Nasa gitna ako ngayon ng gubat para maghanap ng mangkukulam pero naligaw ata ako kaya ito ako ngayon hinahabol ng baboy,nalimutan ko pangalan nito, pero hindi ata ordinaryong baboy
Katapusan ko na ba? hindi ko pa nagagamot mommy ko! wag naman sana..
"Ow!" Sa sobrang malas ko, natisod pako sa maliit na bato..
Wala na akong kawala sa baboy na 'to,
hinarap ko ang baboy, napakalaki niya, yung pangil niya abot hanggang tenga niya at halatang matatalim
"D-dapat magpasalamat ka dahil may pang hapunan ka nang g-gwapo mamaya!" Aish! ano ba pinagsasabi ko? mamamatay nako kung ano ano pa pinagsasabi ko!
Nakita kong hinahanda na ng malaking baboy ang kanyang sarili para ambahin ako. Wala na, hindi pako nakakakita ng maharlikang mangkukulam mamamatay nako. Sorry mommy.
Nagslow mo ang lahat nang ambahin na ako ng baboy na 'to. Hindi ko inakalang magtatapos na ang walang kwentang buhay ko, at Wild pig lang ang papatay sakin, akala ko pa naman isa lang mangkukulam.
"Arrêtez."
Biglang may bumigkas ng mga salitang 'yon sa likuran ko.
Huminto ang baboy sa akmang pag aamba saken at bigla nalang itong nag walk out. Ganon?
Napalingon ako sa may ari ng mala-anghel na boses,
asdfghjkl?!
ANG GANDA NIYA!
Para siyang prinsesa sa suot niya, yung balat niya sobrang puti.
Iba rin ang kulay ng mata niya, yung labi niya medyo mapula pero halatang natural, mahahaba ang pilikmata niya at may kahabaan ang buhok. Tangina! Dyosa ba itong nasa harap ko?! Yung literal na dyosa."S-sino ka?" Nauutal kong tanong,
Tinitigan niya ako sa mata, parang akong matutunaw mga pre!
"Xena ang aking pangalan, ano ang iyong pangalan ginoo?" Daig niya pa makata sa lalim ng mga salita niya.
"P-prince, Thank you pala."
"Thank you?" Tanong niya saakin, siguro hindi niya alam na niligtas niya 'ko.
"Oo, salamat kasi tinulungan moko kanina."
"Walang anuman ginoo." Sabi niya at ngumiti!
Ngumiti siya! D-dyosa ba ang isang 'to o isang..
imposible pangit naman ang mga mangkukulam.
"Ano pala ang tawag sa hayop na yon?" Tanong ko sa kanya, siguro alam niya kasi alam niya rin kung paano pahintuin e.
"Cochon sauvage." Sagot niya.
Baboy lang yun ah? pinahirap niya lang sa salita.
"Nga pala taga saan ka? taga rito karin ba sa bayang ito?" Tanong ko, baka kasi pwede akong tumuloy sa kanila para makilala ko pamilya niya, joke lang hehe.
"Hindi ako taga rito ginoo. Isa akong mangkukulam."
Edi taga-saan ka?
Wait..
"MANGKUKULAM KA?!" Naapasigaw ako sa mukha niya, ang mukhang dyosa pero isang mangkukulam!
Lumayo ako nang bahagya sa mangkukulam na 'toNapatango siya at medyo natawa. Ang ganda niyang mangkukulam paksyet!
"Natatakot ka ba saakin ginoo? hindi naman ako nangangain ng isang mortal." Tawa-tawa niya pang saad, hindi ba obvious na takot ako sa kanya? Baka mamaya dadahil ako niyan ako kung saan tapos irerape!
Pero hindi ba siya natatakot na baka kung ano ang gawin ng mga tao sa kanya sakaling malaman na isa siyang mangkukulam? salot pa naman ang tingin ng mga tao sa kanila. Except me of course, wala naman akong nakikitang may ginawa silang mali, kahit na yung sa mga kwento masasama sila.
"Pasensya na, nagulat lang ako."
"Pasensya rin, dapat hindi ko sinabi."
"A-yos lang." Mas mabuti ngang sinabi mo para may tanungan ako, tyaka..
"Diba salamangkero ka? May kilala ka bang mangkukulam na isang maharlika?" Agad na tanong ko, malay mo maging susi pala siya sa paghahanap ko ng isang maharlikang mangkukulam.
"Oo." Sagot niya at biglang nalungkot. Anong meron? May nangyare ba? may nasabi bakong mali?
"Anong meron? bakit nalungkot ka bigla?" Curious na tanong ko sa mangkukulam na 'to kahit nagmumukha akong fc neto ayos lang.
I can't imagine myself talking to a witch, na mukhang Goddess geez.
"Namatay na ang hari namin." Bigla narin akong nalungkot sa narinig, ibig sabihin wala nang maharlikang nabubuhay? nalungkot ako kasi baka hindi ko na magamot si mommy.
Pero may reyna naman siguro diba? at may mga anak yung Hari?
"Sorry sa tanong." Paumanhin ko.
"Sorry?" Tanong niya pabalik.
"Sa tanong ko nga haha, nga pala bakit ka nandito at wala sa mundo niyo? naglayas ka ba?" Mukha talaga akong fc sa tanong ko.
"Hinahanap ko ang hari." Naguluhan naman ako bigla.
"Diba sabi mo patay na ang hari niyo?" Tanong ko
"Oo, patay na siya bilang mangkukulam ngunit nabuhay siyang muli bilang isang tao." Paliwanag niya, ibig sabihin nun nabubuhay ulit yung isang mangkukulam ngunit wala na itong kapangyarihan? Woah.
"Bakit mo siya hinahanap dito sa mundo namin?"
"Kasi dito siya nabuhay muli, at kailangan ko siyang ibalik kahit tao na siya." Sabi niya at nalungkot.
Hindi ko napansing malapit nang gumabi.
"Tutulungan kita sa paghahanap ng hari niyo." Bigla kong sabi, nako po! Pero baka pag tinulungan ko siya matutulungan niya rin ako sa paghahanap ng mga may maharlikang dugong mangkukulam, pwede ko siyang tanungin.
"Talaga? maraming salamat kung ganon!" Sabi niya at bigla akong niyakap.
*dugdug* *dugdug*
Weird.
"Oo, san ka nga pala tumutuloy dito?"
"Wala akong matutuluyan dito sa mundo niyo." Malumanay niyang saad na siyang nakakapaglambot ng puso ko.
"Sumama ka nalang sakin, maggagabi na oh." Alok ko sa kanya.
"Dito ka ba nakatira?" Tanong niya sakin.
"Hindi gumala lang ako." Ibang klaseng gala napakadelikadong gala.
"Ayos lang ba sayo na sumama ako?"
"Oo naman! Mas mabuti nga yun e." Masiglang saad ko at hininaan ang nasa hulihan.
"Mas mabuting..?" Narinig pa niya yun?! Ibang klaseng tenga yan.
"Baka kasi mapahamak ka, hehe tara na nga." Sabi ko at nagsimula nang maglakad.. naramdaman ko namang nakasunod lang siya..
"Salamat kanina.." Sabi ko at nilingon ko siya saka ngumiti, natigilan naman siya saglit at kalauna'y ngumiti pabalik na siyang nakapagpagil naman sakin saglit.
Hindi ko nalang inisip iyon at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
To be Continued...

BINABASA MO ANG
Surreptitious Plan
خيال (فانتازيا)"I can do everything for my mom, I love you but you're the trade of her life."