Kabanata 9

223K 9.8K 3.1K
                                    

Kabanata 9

"HINDI, e, nasa may kabilang bahay sa hacienda ang maid's quarter," sagot pa sa 'kin ni Kuya Guard, pinapatulan ang sinabi ko. "Ayan po si Señorito."

I swallowed hard, silently drooling and fantasizing over him because he looked damn hot maneuvering the tamed horse nang may tumambad na babaeng mukhang nasa 60's.

"Siya na ba ang maid?" She asked strictly. She has a neutral expression, with her brows raised and her black hair in a tight bun.

"Oo raw, kasama ni Sir Cas papunta rito." The strict lady eyed me from head to toe. Na-intimidate ako at kinabahan.

"Uh, good morning po." I greeted.

"Ayan na 'yon?" She asked, I didn't know if it was for me or what.

Napatikhim naman ako at umayos ng tayo. Mas tumikwas ang kilay niya.

"Marunong ba ito sa gawaing bahay, Bertrand?"

"Hindi ako sigurado, Myrla," alangang sagot nito kaya umismid ang babae at muli akong pinaraanan ng tingin.

"Sumunod ka sa akin," malamig niyang sabi bago nauna na sa 'kin.

Sa muling pagsulyap ko sa p'westo kanina ni Wave ay wala na siya roon kaya napahugot ako ng hininga at hinila ang bagahe ko pasunod sa babaeng istrikta.

"Kilala mo ba ang tao sa lugar na ito?" Bungad niya.

"Po?"

"Ang sabi ko may kilala ka ba sa pamamahay na ito?" Pinanlakihan niya ako ng mata.

"No," I answered.

"Aba, Inglesera, mag-aaply ka ba talaga ng katulong, hija? Ayoko ng sosyaling maid, baka sa halip na magtrabaho ka ay magtamad-tamad ka rito't talunin mo pa ang pagiging senyorita!" Sikmat niya.

Shit, Zire!

"Ay, hindi po! May amo kasi 'ko noon mga foreigner! Marunong po ako sa gawaing bahay!" The basic ones! Yes! "'Di po ako sosyalin, feelingera lang." Tumawa-tawa pa ako pero nang makitang seryoso siya'y nalunok ko ang tawa.

Wala atang sense of humor mga tao rito, a?

"O, siya. Patingin ako ng resume mo," aniya. My eyes widened, napalunok ako at napakagat ang labi.

Shit! Shit! I didn't think of it! Biglaan naman kasi!

"Uh, kasi wala akong resume," maliit kong sabi.

Her eyes sharpened. Pinasadahan niya ako ng tingin at humalukipkip. Umiling siya.

Shit, wala na! Papaalisin na ako rito!

"Maraming nag-a-apply dito, hija. Bakit ka pupunta ng walang dalang kahit ano?" She spat. "Sigurado ka bang nag-a-apply kang maid? E, mukhang sosyalin ka, e! May lahi ka ba at asul 'yang mata mo?"

"Uhm, opo," sagot ko. "Afam kasi ang tatay ko,"

Hindi na 'yon bago, right! Sana kagatin!

She tapped her fingers in her arm. Namawis akong malamig.

"Marunong ka bang magluto?"

"Yes!" I said proudly. Good thing I got it from my Dad! He trained me!

"Maglinis?"

"Definitely!" I smiled.

"Maghugas ng plato?"

"A hundred percent sure," I grinned.

"Aba, sosyaling maid nga. May accent ka ba, hija?"

"Mahilig po kasi akong makinuod ng mga palabas sa Hollywood sa kapitbahay namin." I lied. "At saka, sa Facebook 'di ba maraming videos sa pronunciation ng words.

Unmasking The Waves Deception (Published Under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon