Kabanata 28

378K 11.1K 10.3K
                                    

Kabanata 28

NAKANGUSO at kunot ang noo, kanina pa walang imik si Wave habang nasa biyahe kaming dalawa. The moment he requested to have a relationship on Facebook ay harap-harapan kong ni-reject ang request niya kaya sumimangot siya at nawalan ng imik.

Am I too bad to reject it? I don't know. Basta ang alam ko ay hindi pa nga kami nagkakausap na dalawa ng maayos at nagloloko na siya ng gano'n! Paano kung bigla kong seryosohin? Tapos joke-joke lang pala?

E 'di asado na naman ako?

Of course, our photos and videos made a fuss on social media. Ang mga litrato at video na isinasabit niya sa akin ang kanyang medalya ay nagkalat at nag-ani ng mixed reactions.

Papuri, hate, at disappointment which isn't shocking at all. I anticipated it.

Hinawakan ko ang medalya sa leeg ko para haplusin. It still felt so overwhelming.

To be appreciated, to be an inspiration to someone. I feel honored. I don't even think I deserved it.

I smiled and glanced at Wave. Nakasimangot pa rin ang loko at seryoso habang nagda-drive.

Asus, parang bata magtantrums.

I chuckled, natigilan at napatingin sa akin, kunot ang noo.

"Tinatawa mo r'yan?" he asked grumpily.

"Wala, natutuwa lang ako sa 'yo." I smiled.

He stopped when he saw me smile, he looked dazed for a moment, bewildered for something then suddenly, he looked away.

"Am I funny? Do I look like I'm joking, Sandejas?" His lip protruded.

"Hindi, ang cute mo kasi, I wanna pinch your cheeks, Wavy." Tawa ko. Hindi siya umimik.

Umismid pa.

Suplado!

"Ganito kasi 'yan, Wavy," I said. "We have to lie low,"

"For? We've separated for almost a year." Sumulyap siya sa akin. "Hindi...ka pa ba sigurado sa akin?" I heard the desperation in his voice.

"Hindi naman sa gano'n, pero kasi Wave, kakakita pa lang natin and–"

"Because I'm very sure of you, damn, I could even marry you right now," he said under his breath, probably thinking I wouldn't be able to catch it but I did.

My heart raced. Nakagat ko ang labi.

Gusto ko! Ako rin! Sigurado sa 'yo! Pero dapat dalagang Filipina!

"Ligawan mo muna ko," I said. Mukhang nagulat siya at napakurap sa akin.

"This is my second time courting you," aniya, gulat at muling bumaling sa daan.

"First lang! 'Yong...dati kasi 'di ba, ilang seconds ka lang nanligaw?" Lumiit ang boses ko.

"Dahil sinagot mo ako kaagad." Medyo napapangiti siya. "Ganun ka karupok sa akin."

"Hindi 'no!" I exclaimed. "Yabang nito, ano kasi, uhm...medyo maharot lang ako dati."

"O? Medyo 'yon?" he asked playfully. Humaba ang nguso ko.

"Oo nga! Dati 'yon!"

"So, ngayon, hindi na?" Tumaas ang sulok ng labi niya.

"Hindi na! Excuse me, I'm a more matured woman now, hindi na ako basta-bastang papaakit d'yan sa mga halik mo–" Bigla niyang iginilid ang sasakyan at kinalas ang seatbelt bago lumapit sa akin kaya nanlaki ang mata ko.

Unmasking The Waves Deception (Published Under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon