Kabanata 27
"HOW do I look?" I twirled to show Vincent my blue dress.
"Pangit," malamya niyang sagot. Tumikwas ang kilay ko at namaywang.
"Excuse me?" Eksaherada kong tanong.
"O, e 'di maganda." Plastik siyang ngumiti. Mas sumimangot ako. Umirap siya. "Nagtatanong ka pa tapos 'di mo rin tatanggapin ang sasabihin. Gusto mo lang sabihan ka ng maganda, ipokritang 'to."
"I received any other compliments you know, the last thing I can be now is being ugly. I mean, look at my face, I am so freaking gorgeous!"
"Ang lakas ng hangin mo, girl. Dahan-dahan baka lumipad tayo rito sa office."
"Isa, Vincent!" I hissed.
"Isa ka r'yan, e, kung lumayas ka na kaya rito!" He hissed. "Oo na, maganda na! Baka maiyak ka pa. Lumayas ka na at mahuhuli ka pa."
"Maaga pa." I pouted.
"Maaga ka r'yan. Nasa Pinas tayo, 'te. Traffic. Umaga pa lang ayos na ayos ka na ta's ayaw mo naman umalis ng maaga?"
I sighed and bit my lip. "Kinakabahan kasi ako,"
"Kakabahan ka? Naku naman, Zirena, parang hindi mo naman nakikita 'yong tao!"
"Hindi nga." I sighed. "I've never seen him in four months, ngayon lang."
"As if you weren't stalking him!" Napairap siya. "E, updated na updated ka nga at buhay na buhay ang fan account mo!"
"Hindi, I mean personally. Hindi ko pa siya ulit nakikita."
"But he's been seeing you," aniya. "I swear, Zire, I've seen him a couple of times whenever we're together, minsan sa bar, nakaupo lang sa couch at hindi lumalapit, tinitignan tayo."
"Hindi ko nga nakita," I said. "Malay ko ba? Kapag tinuturo mo nawawala naman kaagad. Baka hindi naman si Wave 'yon? Nag-i-imagine ka lang?"
"Gagang 'to ginawa pa 'kong gumagawa-gawa! I'm positive, it's Wave!" He insisted. "If that isn't Wave, hindi ako titignan no'n ng masama! No'ng nahuli ko mukhang ready akong hukayan ng libingan, e."
"Baka imagination mo lang kasi talaga? E, ikaw lang nakakakita, 'di naman ako."
"Gaga, hindi ako sinto-sinto kagaya mo." Umirap siya.
I gasped and smacked his arm, nang akmang sasabunutan na niya ako ay umiwas ako at pinanlakihan siya ng mata.
"Vincent! May lakad ako!" I hissed. "Masisira ang hair ko!"
"E 'di lumayas ka ng ipokrita ka, sinisira mo ang araw ko!" Ngiwi niya.
"Bitch,"
Tumaas ang kilay niya, aawayin na naman ako kaya hinablot ko na ang bag ko at inirapan siya.
Nagmamadaling bumaba ako sa opisina at nag-cab patungo sa venue ng graduation ni Wave.
Habang nasa biyahe'y kinakabahan ako.
It's been a few months since I last saw him personally. Though, I was updated kaya alam na alam ko ang ganap niya. Ayaw ko rin namang istorbohin personally si Wave at baka ma-distract sa studies kapag nakita ang kagandahan ko.
Napahagikhik ako pero napawi ang boses nang makitang naguguluhang nakatingin sa akin ang driver.
"Ayos lang kayo, Ma'am?"
"Ay, sorry po," sagot ko sabay ayos ng upo, umiiwas ng tingin sa kahihiyan.
Meanwhile, as per Vincent, Wave was there. Nakikita niya raw minsan kapag magkasama kami but if he does, I couldn't. Nawawala siya bigla kaya 'di ako masyadong naniniwala sa huli.
BINABASA MO ANG
Unmasking The Waves Deception (Published Under Flutter Fic)
Aktuelle Literatur[REVISED EDITION, 2024] (Published Under Flutter Fic) Lost Island Series #1: Unmasking the Waves Deception "He was like that of the waves bringing the sand with him in the sea. The only thing is that he didn't bring the sand back to the shore, he ma...