Kabanata 2

269K 11.1K 8.6K
                                    

Kabanata 2

LUPA... Lupa, please kainin mo na ako!

Halos marinig ko ang kuliglig sa paligid dahil sa katahimikan, miski ang tugtog ay parang humina para mas maging kahiya-hiya ako.

The people here are just staring at me, wide-eyed with their lips parted. Naiwan sa ere ang kanilang camera habang nakatunganga sa akin.

Napalunok ako.

"Joke lang!" I said awkwardly. I laughed, pumalakpak pa ako habang tumatawa, pilit na pinagtatakpan ang sarili.

Fuck, Zire! You're embarrassing!

Kumurap-kurap lang sila sa akin, sa pagharap ko sa stage ay nakitang nakatitig sa akin si Wave. He had this amused half smile on his face, making my cheeks burn in embarrassment.

Unti-unting nawala ang pagpalakpak ko, tumatawa pa rin at nang tumingin sa mga tao ay hilaw na ngumisi at tumikhim.

"P-parang nauuhaw ako, ah," I murmured and touched my throat. I pretended to cough before slowly turning my back from them and started walking.

Kalmado pa 'ko no'ng una pero nang makailang hakbang at pakiramdam ay medyo malayo na'y kumuripas ng takbo palayo.

Mabilis akong nakarating sa banyo. I was jumping up and down, silently screaming my lungs at the mess I made!

Damn, I wouldn't be that shock kapag magiging laman na ako ng headlines!

Where did I drag myself into? Magte-trending ako? Malalaman ng family ko ang kahihiyan? I am such a freaking mess! Damn it!

Napatitig ako sa salamin, nang makitang parang kamatis sa pula ang mukha ay napatili ako at sinampal-sampal ang sarili.

"Bobo! Stupida! Tanga!" I cursed myself. "Alam kong malandi ako pero damn it, Zirena!"

I was walking back and forth the bathroom, mabuti na lang at walang nagtatangkang pumasok dito at talaga magpa-flush ako ng sarili sa inidoro!

If I disappear now, will they look for me? Hindi naman siguro, 'di ba? Ayoko na!

I fished my phone out of my pouch and dialed a number. In a few rings ay kaagad nang sumagot si Remi sa kabilang linya.

"Hello, Sir Remi..."

"Yes, Zire?"

"Uhm..." I bit my lip. "K-kasi, ano, parang ayoko na–"

"Anong ayoko? Tungkol ba 'yan kay Wave?" aniya na hula ko'y nagtataas na ng kilay sa akin.

"H-huh? Ano,"

"There's no way you will quit!" Dumiin ang boses niya. Mas hiyang-hiya ako. "Kakaumpisa mo pa lang, Zirena!"

"Kasi..."

"We'll both die!" he exclaimed. "Ang career natin, Zire! Nakasalalay sa 'yo!"

"But I did something crazy." I sighed. "Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya."

Ipinikit ko ang mata.

"I don't want to ask kung ano'ng nagawa mo. I'm sure it's probably because you slipped in front of him or something."

"Worst," I mumbled.

He sighed before groaning, as frustrated as me. "Damn it. Hindi mo ba iniwan man lang sa Manila ang kalampahan, Zire?"

Mas humaba ang nguso ko.

"Whatever, no one is quitting. Do your best. Make that mistake as an opportunity! I'm sure if you made a fool of yourself, you probably got his attention. It's an advantage," aniya. "We can't lose this, Zire. Gumawa ka ng paraan."

Unmasking The Waves Deception (Published Under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon