Kabanata 29
SIGURO kung papel na ako, kanina pa ako nilakumos ni Wave at itinapon sa dagat.
Kunot ang noo at seryoso siyang nakatitig sa akin galing sa malayo habang nagtatampisaw ako sa tubig. Paano ba naman kasi'y nagtatampisaw ako't naka-blue na two piece swimsuit nang may dumating na yate na may sakay na mga turista, puro mga lalaki.
I fixed my shades and ran my fingers on my hair. Humarap ako kay Wave bago ngumisi at kumaway.
He didn't even move, tila bodyguard ang lokong nakaupo roon sa lounge chair at binabantay ako.
I saw three men walking towards the sea, mga turistang dumaong kanina. Pagkakita sa akin no'ng isa ay siniko niya ang mga kasama at itinuro ang gawi ko. Nagbulungan sila at nagsikuhan.
I pouted and turned my attention back to my boyfriend na mas sumama ang mukha nang makita ang mga lalaki.
"Hi, Wavy! I love you!" I screamed. He shifted his serious gaze back at me. "Love you," I mouthed at ang seloso kong Wavy ay nagta-tantrums na naman.
He shook his head, I noticed him caressing my body with just his intense gaze. His jaw clenched before catching my gaze again.
"Come back here, let's eat,"
"Habulin mo muna ako!" I screamed. Tumitig siya, I even licked my lower lip to entice him na mukha namang effective dahil sa mas pag-igting ng panga niya.
"Zirena, come here," he called again seriously.
"No! Habulin mo muna ako!" I laughed when he stepped closer to the water. Nang makalapit siya sa dalampasigan ay napatili ako at tumakbo sa tubig, lalo na nang lakihan niya ang hakbang.
Sa panic ko ay napunta ako sa may malalim na parte, tatawa-tawa pa't napatilo nang lumusong si Wave sa kung nasaan ako.
I squealed, chuckling. Mas nilakihan ko ang hakbang hanggang sa mas lumalim. Tumigil lang ako para lingunin si Wave at pero natulos nang mapansing wala na siya sa likod ko.
My heart raced.
"Wavy?" I called. I didn't hear him answer. Tanging ang kalmadong alon lang.
I swallowed.
"Wave?" I called again, still, no answer.
Inikot ko ang tingin. 'Di ko siya makita sa may dalampasigan. Humugot ako ng hininga at sinuklay ang buhok ko.
"Wave!" I called, panicking this time.
What happened? Where is he? He was just behind me!
"Wave! Answer me!" I exclaimed. No answer again.
I started to feel the forming lump in my throat, my heart beating rapidly against my chest. Lumangoy ako papunta sana pabalik sa may mababaw. Sinubukan ko pang ilubog ang mukha para hanapin siya sa malapit pero wala!
Umahon ako.
Umalis ba siya? Tinataguan ako?
Okay lang sana kung biro lang pero paano kung hindi? What if he drowned?!
"Wave! Where are you?! Don't joke about this!" I hissed under my breath. Naramdaman ko ang hapdi sa gilid ng mga mata ko sa paambang mga luha. "Wave! Isa! 'Di na nakakatuwa! N-naiiyak na 'ko!"
I sniffed and when I was about to try and look for him underwater again, I felt someone touching my leg underneath. I jumped in shock, panicking until someone emerged and it was Wave.
Tumalim ang tingin ko, nabunutan ng tinik ang puso pagkakita sa kanyang basang-basa sa pagsisid pero natakot ako! Napatitig siya at nabakas ko ang gulat pagkakita niya sa ekspresyon ko.
BINABASA MO ANG
Unmasking The Waves Deception (Published Under Flutter Fic)
Fiksi Umum[REVISED EDITION, 2024] (Published Under Flutter Fic) Lost Island Series #1: Unmasking the Waves Deception "He was like that of the waves bringing the sand with him in the sea. The only thing is that he didn't bring the sand back to the shore, he ma...