Xia.
"Xia it's not you, it's me."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Pamilyar ang linyahang iyon sa mga telebisyon at babasahin pero hindi ko inaasahan na maririnig ko ito mula sa bibig ni Joshen. Ang boyfriend ko sa nakalipas na pitong buwan.
"May problema ba tayo Joshen?"
"Xia, ayoko na. Let's break up. I fell out of love."
Walang emosyon ko siyang binalingan. Ilang beses ko na ba itong narinig mula sa mga naging karelasyon ko? I lost count.
Tila nagulat si Joshen sa reaksiyon ko marahil ay inaasahan niya na iiyak ako o mag-mamakaawa. Bakit naman ako iiyak?
Dahil mahal mo siya. Bulong ng utak ko ngunit napailing ako.
"That's it. Thank you, next." malamig na tugon ko.
Napa-awang ang labi ni Joshen sa sinabi ko. Hindi niya rin inaasahan iyon gaya ng pakikipag-break niya sa akin ngayon. Bakit siya lang ba ang may karapatan na mag-surprise?
"Hindi ka man lang ba magagalit sa akin? Sinaktan kita." Aniya at napairap ako.
"Why do you want me to cry? Ganiyan ba talaga kayong mga lalake? Do you feel satisfied by making girls cry?"
"H-Hin--"
"Kung wala ka nang sasabihin, pwede ka nang umalis." Masungit kong sabi at napabuntong-hininga na lamang siya.
Napapikit ako nang tumayo si Joshen at mag-lakad paalis. May ilang mga tao sa coffee shop ang nakatingin sa direksiyon namin kanina ni Joshen at naiilang ako roon kaya minabuti ko na lamang na paalisin si Joshen.
Napabuntong-hininga ako at inabot ang kape ko mula sa table upang inumin. Napangiwi ako nang mapagtanto kong malamig na ito.
Damn you Joshen. Parang ikaw lang, bigla na lamang nanlamig. Dahil ba tumagal na tayo? Ganun ba talaga habang tumatagal lumalamig? Hindi ba pwedeng painitin na lamang katulad ng kape?
Pero hindi na masarap kapag laging pinapainit. Muli ay napangiwi ako. Nababaliw na ako para ipagkumpara ang love life ko sa kape.
Inis akong tumayo mula sa kinauupuan ko at naglakad palabas ng coffee shop.
Napasinghap na lamang ako nang makabunggo ako ng isang lalake at 'di ko sinasadyang matapunan pa ito ng hawak kong kape.
Shocks. Sayang yung kape ko.
Nagtama ang paningin naming dalawa. Gwapo ito, matangkad at may matikas na pangangatawan. Hindi siya maputi, tamang-tama lang ang kulay ng balat niya at may magandang kamay.
Okay, hindi necessary na pansinin ang kamay ng lalake pero type ko talaga ng mga lalakeng may mahaba at magandang kamay.
"Uhm, s-sorry." utal na sabi ko.
Namilog ang inosente nitong mata.
"I'm fine. I just have to change my clothes." Natatawang sabi niya at bigla na lamang akong iniwan sa tabi.
Mariin kong nakagat ang labi ko nang mapagtanto kong maraming tao muli ang nakatingin sa direksiyon ko.
Great Xia, just great.
Tumungo na lamang ako at naglakad paalis sa coffee shop. Eh ano kung tumingin sila? Hanggang tingin na lang naman sila sa akin. Hindi ko naman sinasadyang tapunan ng kape iyong lalake at mukhang hindi naman siya galit. Dedma na lang.
Nakarating ako sa apartment na tinutuluyan ko at tuluyang napahiga sa kama habang nakatitig sa kisame.
Break na kami ni Joshen. Nakabunggo pa ako ng mukhang yayamanin na lalake kanina na mukha namang mabait. Malas ba ako ngayong araw?

BINABASA MO ANG
A Search for Love [PUBLISHED]
Подростковая литератураPublished under DJEB Publishing House. Mahirap hanapin ang isang bagay na ayaw magpahanap. Ngunit si Xia ay may paninindigan na balang araw ma-meet niya din ang lalakeng hinahanap niya. Iyong para sa kaniya lang. Iyong lalakeng hindi siya lolokohin...