COFFEE 10

199 13 12
                                    

Xia.

"Sir Avi." tawag pansin ko sa kaniya. Napatunghay ito sa akin.

Nawala ang emosyon sa mga mata nito nang makita niya ako. Agad akong napasimangot. Kung hindi siya natutuwang makita ako ay ganun din ako sa kaniya.

"Why did you choose to give me a damn resignation letter?" naniningkit ang matang tanong nito dahilan upang mapabuga ako ng hangin.

"Hangga't maari ay ayoko nang makita ka. Umiiwas ako sa'yo, iyon ay dahil sa hindi ko na din alam kung paano kita kakaharapin. Kung natatakot ka dahil baka mabuntis mo ako, iyong bata lang ang gusto kong panagutan mo. Iniwan ko na rin ang boyfriend ko sa Manila para makapagsimula ako nang mapayapa dito sa Bulacan. Sana ay lubayan mo na ako Sir Avi. Wala din akong balak sa kayamanan mo kung iyon ang iniisip mo."

Literal na napanganga si Sir Avi sa haba ng sinabi ko.

"Ano ba? Masyado kang advance mag-isip." Natatawang turan nito kaya naman sinimangutan ko siya.

"I'm here to expalain everything for you. Lalo na ang kitid ng utak mo. I thought I hired a very tough secretary pero mukhang nagkamali ako." Naiiling na sabi nito bago sumandal sa sasakyan nito.

"You're boyfriend was a mess. Pinuntahan niya ako sa bahay at sinuntok."

Nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam na kayang gawin iyon ni Xenon. Mabait si Xenon at hindi palaaway.

"Ano? Kamusta siya? Sinuntok mo rin ba?" Nag-aalalang tanong ko. Alam kong maraming reresbak kay Sir Avi dahil napaka-impluwensiya nito pagdating sa mga kalokohan.

"Tsk. Mas concern ka pa talaga doon?"

"Siyempre! Mahal ko si Xenon!" Sigaw ko sa kaniya na ikinatawa niya.

"You two are fools. Andito ako para sabihing wala naman talagang nangyari sa ating dalawa noong gabing nalasing ako."

Hindi ako agad nakapagsalita sa sinabi nito. Tanging ang pagpatak ng luha ko ang humila sa akin sa reyalidad.

Natauhan ako nang biglang hawakan ni Sir Avi ang balikat ko.

"You should not run again Xia. Walang masama kung haharapin mo ng lahat ng problemang dadating sa buhay mo. I know it was really hard. Sa tingin mo ba hindi rin ako nahirapan? Iyong boyfriend mo din nahirapan."

"P-Paanong--"

"Si Merliah ang may pakana ng lahat."

Pinunasan ko ang luha sa mata ko. Namuo ang galit na nararamdaman ko kay Merliah. Alam ko naman na may masama na siyang plano pero hindi ko naisip na kaya niyang gawin ito. Sobrang nababaliw na siya para sirain ang imahe ko.

Nadamay at nasaktan pa si Xenon sa inggit na nararamdaman niya sa akin.

"Nasaan na siya?"

"I fired her. I let my attorney fix everything for us. Ang matitiyak ko lang ay hindi na tayo gagambalain ni Merliah. My parents help to investigate para mas lalo pang madiin si Merliah. The girl was so stupid to think na kaya niyang banggain ang mga Gustavo."

Napatango ako. Nakahinga ako nang maluwag sa nalaman ko.

"Ano na ang plano mo?" Tanong ni Sir Avi sa akin.

Tanging ang paghingi ng tawad kay Xenon ang naiisip ko ngayon. Gusto kong magpaliwanag sa kaniya patungkol sa mga nangyari.

"Hindi ko alam. Gusto kong balikan iyong boyfriend ko."

Napabuntonghininga si Sir Avi. Tinanggal niya ang pagkakapatong ng kamay niya sa balikat ko at binuksan ang pintuan sa kanang pintuan ng sasakyan.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Xenon na bumaba mula roon.

A Search for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon