Xia.
MINULAT ko ang mata ko at napatingin sa bintana. Umaga na pala. Limang araw na simula nang nangyari iyon ngunit hanggang ngayon ay masakit pa din sa aking tanggapin ang lahat.
Hindi ako lumabas ng apartment. Pinupuntahan ako ni Xenon pero pinagtatabuyan ko siya. Pilit ding gumagawa ng paraan si Sir Avi para ma-contact ako pero hindi ko ito pinauunlakan.
I'm running away.
Gusto ko silang takbuhan. Ang hina ko. Masyado akong mahina para harapin silang dalawa. Natatakot akong masaktan si Xenon at hindi ko kayang mawala siya.
Pumasok si Pia sa kwarto ko at inilapag ang pagkain sa ibabaw ng kama ko.
"Hanggang kailan ka magkukulong dito? Kausapin mo na si Sir Avi lalong-lalo na si Sir Xenon dahil sobrang nag-aalala talaga siya sa'yo. Tandaan mo, boyfriend mo pa rin siya hanggang ngayon at wala siyang kaide-ideya sa totoong nangyayari sa iyo."
Umupo siya sa tabi ko at bumangon naman ako para kumain.
"Namumutla ka na rin. Umuwi ka na lang kaya sa probinsya? Miss ka na ni Xione."
Napabuntonghininga ako at tumuloy sa pagsubo ng pagkain habang nagsasalita si Pia.
"Xia, ano? Magsalita ka naman dahil hindi lang naman ikaw ang nahihirapan. Maawa ka naman sa boyfriend mo."
Humigpit ang pagkakahawak ko sa mga kubyertos na hawak ko.
"Sa tingin mo ba hindi ako naawa kay Xenon? Pia, mahal ko si Xenon at hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala siya. Ayoko rin naman na masaktan siya." nangilid muli ang mainit na likido sa mata ko. "Alam mo kung gaano kasakit palayain siya. Gusto ko siyang palayain dahil hindi na ako karapatdapat pero natatakot ako. Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari dahil paano kung mabuntis ako?"
Napamaang si Pia sa sinabi ko. Hindi niya alam kung gaano ako nahihirapan ngayon at gipit na gipit na ako.
"Mabuntis?"
"We did it. Iyon ang kinakatakutan ko. Si Sir Avi ang huling lalake na maiisipan kong makasama habang buhay. Alam ko kung gaano kalakas ang kapangyarihang meron sila para pilitin na ipakasal kami ni Sir Avi dahil lang sa pagkakamaling iyon lalo na at mahalaga ang kasal sa pamilya nila. Nirerespeto pa man din nila ako at alam kong magdidissapoint sila kapag nalaman nila ang tungkol sa nangyari sa amin ni Sir Avi."
"Xia mas mabuti pa rin kung simulan mo nang harapin ang mga kinakatakutan mo dahil hindi naman ito matatapos kung hindi mo sila haharapin."
Napatungo ako at uminom ang tubig.
"Iwan mo muna ako Pia." mariin kong utos at umalis naman ito. Alam kong di siya pumapasok dahil ibinilin siya sa akin ni Xenon.
Mahal ako ni Xenon pero pag nalaman niya na ang totoo baka pandirihan niya ako.
Nanikip ang dibdib ko sa isiping makikita ko ang pandidiri sa mukha ni Xenon kung sakaling aminin ko sa kaniya ang tungkol sa amin ni Sir Avi.
Tumunog ang cellphone ko at mapait na napangiti nang makita ko ang pangalan ni Xenon doon.
Sa unang pagkakataon ay sinagot ko ito. Agad ko itong inilagay sa teinga ko. I miss him.
"Xia?"
"Xia? Are you there? Why aren't you answering my calls? May nangyari ba sa'yo? I'm worried. Wala din namang alam si Pia sa nangyayari sa iyo."
Tumulo ang luha sa mata ko. Ang lambing ng boses niya sapat na para manginig ang kalamnan ko sa pandidiri sa sarili ko.
"I-I'm sorry."
![](https://img.wattpad.com/cover/171672419-288-k362969.jpg)
BINABASA MO ANG
A Search for Love [PUBLISHED]
Dla nastolatkówPublished under DJEB Publishing House. Mahirap hanapin ang isang bagay na ayaw magpahanap. Ngunit si Xia ay may paninindigan na balang araw ma-meet niya din ang lalakeng hinahanap niya. Iyong para sa kaniya lang. Iyong lalakeng hindi siya lolokohin...