COFFEE 2

299 26 8
                                    

Xia.

"COFFEE SHOP?!" Gulat na tanong ko na nag-paangat ng kilay ni Pia.

"Oo. Sa Walang forever 143."

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam pero hindi ako masaya na doon magtra-trabaho si Pia. Ibig sabihin niyon ay makikilala niya si Xenon. Magiging magka-trabaho silang dalawa.

"Ganun ba? Samahan kita bukas doon." Wika ko na lamang at nag-liwanag naman ang mukha niya. Pilit kong isinasantabi ang hindi magandang nararamdaman ko.

"Naku salamat Xia! Hindi ko din kasi alam kung saan talaga iyon. Maganda ba doon?"

"Oo naman. Naalala mo pa ba iyong sinasabi ko sa iyong paborito kong tambayan?" Napatango siya sa akin. "Iyon ang tinutukoy ko. Walang araw na hindi ako uminom ng kape doon. Madalas ako doon, ngayong araw lang talaga hindi na naman ako nakapunta!" Naiinis kong wika ng maalala kong nag-over time ako ngayon sa trabaho ko dahilan para 'di ko na maabutang bukas ang coffee shop.

"Wow. Sosyalin naman pala kung ganun. Ang pangit nga lang ng pangalan nung shop." natatawang sabi niya pero sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong pangit? The name of the coffee shop is the best name of the shop. The ambiance of the whole place are screaming of love. Don't mind the bitterness of the shop's name. Madami na akong nasaksihan na mga pangyayari sa mga magkakarelasyon doon." Paliwanag ko.

"Haynaku, mukhang attached na attached ka talaga sa shop na iyon." Naiiling na sabi niya.

"They make the best coffee ever." Nagniningning ang matang sabi ko.

"Oo na lang. Kumain ka na nga nang makatulog na tayo!" Sabi niya sa akin at agad naman akong tumalima.

Gaya ng pangako ko kay Pia ay sinamahan ko siya sa first day niya sa Walang Forever 143. Maaga talaga akong gumising dahil excited akong samahan siyang pumasok.

Nakita kong sinamahan siya ng isang waitress papasok sa lugar na for staffs only ang nakalagay. Napangiti ako nang lumabas si Pia suot-suot ang uniporme niya.

Kumaway siya sa direksiyon ko at kumaway din ako pabalik. Mukha naman siyang masaya sa ginagawa niya. Inilibot ko ang paningin ko. Wala pang masyadong costumer dahil ala-sais pa lang ng umaga.

Lumapit sa akin si Pia. "Anong gusto mong kape? Ikukuha kita. Libre ko na sa iyo." Sabi niya na nagpangiti sa akin.

"Capuccino. Iyon ang paborito kong kape dito." Sagot ko at agad naman siyang umalis upang kunin ang kape na inorder ko.

Limang minuto ang nakalipas ngunit wala pa ang order ko. Natigilan ako nang bumukas ang pintuan ng shop at pumasok si Xenon na naka-ordinary pa lamang.

Nahigit ko ang aking hininga at hindi ko alam ang gagawin. Naging conscious ako bigla sa itsura ko. Mukha pa ba akong presentable?

Napadako ang tingin niya sa akin. Napansin niya siguro na iisang lugar lang ang inuupuan ko sa shop. Nahihiya akong ngumiti sa kaniya at ganun din siya sa akin bago siya dumiretso sa lugar nilang mga staffs.

Ngiting-ngiti ako nang i-abot ni Pia ang inorder kong kape.

"Oh, mukhang ang saya-saya mo ah!" puna niya at nagpigil ako ng ngiti.

"Wala may nakita lang." ani ko at nagkunwaring seryoso. "Mauna na ako." Paalam ko at kinuha ang kape ko at magaan ang loob na lumabas ng coffee shop.

Tatlong linggo na ang nakalilipas at hindi ko namamalayan na ang araw-araw na pag-ngiti sa akin ni Xenon ay bumubuo na pala ng araw ko.

Parati akong badtrip sa tuwing hindi ako nakakapunta ng coffee shop. Si Pia naman ay mukhang nagugustuhan na ang trabaho niya. May kung inis din ang bumabangon sa dibdib ko dahil sa inggit na laging nakakasama ni Pia si Xenon.

A Search for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon