Xia.
"AYIEEEE! Kayo na pala ni Sir Xenon hindi mo naman sinabi sa akin!" Tuwang-tuwa na panunukso sa akin ni Pia pag-kapasok ko pa lang sa apartment. Nakita niya siguro na hinalikan ako kanina ni Xenon.
"Kanina lang."
"Sounds suspicious. May nangyari ba sa inyo kagabi?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Wala noh!"
"Bakit defensive ka?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "We spent the night together in a rooftop. Sabay naming pinanood ang pagsikat ng araw. Walang nangyaring kababalaghan sa amin." Seryosong sabi ko at lumapit sa kaniya para pitikin ang noo niya.
Kung ano-ano talagang naiisip ng maduming utak ni Pia.
"Aray naman! Nagjo-joke lang naman ako." Sabi niya habang hinahaplos ang noo niya na pinitik ko.
"That's not even a nice joke."
"Masaya lang ako para sa inyo ni Sir Xenon. Mukhang masayang-masaya naman talaga kayo sa isa't isa. Tiyaka mukhang mabait si Sir Xenon hindi katulad ng mga ex mo. Mas gusto ko na siya para sa iyo. Mayaman pa!"
Hindi ko na lamang pinansin at nagtungo sa kwarto ko upang magpalit ng damit.
"May pasok ka na bukas 'di ba?" Tanong ni Pia na hindi man lang kumatok sa pintuan bago pumasok sa kwarto ko.
"Oo bakit?"
"Wala lang. Busy ka na naman."
Napabuntonghininga ako. Tama si Pia busy na naman ako bukas kaya kailangan ko talagang ipahinga ang katawan ko ngayon.
I spent my whole day lying on my bed. Reading a bunch of romantic books. Kumakain lang ako kapag oras na ng pagkain. Natulog din ako ng bandang hapon dahil inaantok talaga ako kasi hindi naman kami gaanong nakatulog nang mabuti ni Xenon kagabi. Lalo na at ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakayakap siya sa akin.
Maya-maya ay nagising ako sa pagkatok ni Pia sa labas ng kwarto ko. Agad akong bumangon at pinagbuksan siya ng pinto. Sinadya ko talagang i-lock ang pinto bago ako matulog para hindi niya ako guluhin.
Tumambad sa akin ang isang paperbag.
"Xia pinabibigay ng baby mo." Makahulugang sabi niya. Nawala naman ang antok ko at agad kong kinuha ang paperbag.
Dumeretso kaming dalawa sa kusina. May dalawang kape sa loob niyon. Galing pa iyon sa coffee shop. Hindi ko mapigilang mapangiti. Sinamahan niya pa ng dalawang slice ng chocolate cake.
"Meron din sa akin." Nagniningning ang matang sabi ni Pia.
"Pa-thank you siguro sa iyo ni Xenon." Natatawang sabi ko at napangiti siya.
"Dapat lang. Ako kaya nagsabi na lapitan ka niya dahil hindi ka naman nangangain ng buhay."
"Sira ka talaga."
"At least nakatulong ako 'di ba?"
Masaya naming pinagsaluhan ang meryendang dala ni Xenon. Kahit hindi na siya pumunta dito ay napaka-thoughtful niya pa din para padalhan ako ng meryenda.
BINABASA MO ANG
A Search for Love [PUBLISHED]
Teen FictionPublished under DJEB Publishing House. Mahirap hanapin ang isang bagay na ayaw magpahanap. Ngunit si Xia ay may paninindigan na balang araw ma-meet niya din ang lalakeng hinahanap niya. Iyong para sa kaniya lang. Iyong lalakeng hindi siya lolokohin...