The Way We Used To Be </3
"Di porke pumayag akong maging tayo, gagawin mo na sa'kin yun. Gago ka ba? Itutulad mo pa 'ko sa mga babae mong cheap! Leche. Magsama-sama kayo!"
"Ariz let me explain."
"Potapete naman! Tama-tama ka na! Ayoko na! Wag kang susunod! Malilintikan ka na sa'kin!"
Basta ko na lamang sya iniwan dun. Ayoko ng pakinggan pa yung mga sasabihin nya - ni ayokong marinig ang boses nya.
Punyemas. Ayoko nito. Ayoko na maramdaman 'to. Pero..
Ang sakit talaga.
Di ko na alam kung paano ako nakarating sa bahay namin. Basta ang alam ko lang, lutang ako ngayon. Yung pakiramdam na parang gusto kong umiyak. Pero walang lumalabas na luha sa mga mata ko.
"Ariz?"
Di ko pinansin yung tumawag sa'kin. Kasi pag tiningnan ko sya.. Malamang na maalala ko lang yung taong gumawa nito sa'kin.
"Ariz.."
Tumabi na sya sa'kin pero di pa din ako tumitingin. Nakakainis. Ano bang ginawa ko sa mundo at ganito pa nangyayari sa'kin?
"Ariz. Magkagalit ba kayo ni Kuya?"
Nung sabihin nya yun, saka lang ako napaiyak. Juicemiyo. Nagdire-direcho na yung luha ko kahit na anong pigil pa ang gawin ko. Ayoko na! Huhubels. </3
"Macon! Yang kuya mo. Punyemas talaga!"
"Ha? Anong problema? Anong ginawa ni Kuya?"
Pinahid ko muna yung luha ko at saka tumingin ng direcho sa kanya.
"He's still in love with Eina."
Nanlaki yung mga mata nya at saka sumimangot. Dati pa, ayaw na nya kay Eina. Kesyo maarte daw, di marunong makisama, at higit sa lahat, maldita daw. Pero nagtagal sila ng kuya ni Macon - nakatwo years din sila.
"That witch? He still loves her?"
"Please. Wag mo na ipaulit sa'kin."
"Sorry Ariz."
"Di ka dapat magsorry Macon. Di mo kasalanan."
"But still.."
"Don't worry, di ka damay sa galit ko sa kanya."
Nag-usap pa kami sandali bago sya nagpaalam na uuwi na. Kapitbahay lang naman namin sya kaya siguro.. Aish. Anak ng tinapa talaga.
Nung mapag-isa na ko, saka bumalik sa'kin lahat.. Yung kung pa'no naging kami ni.. Nung kuya ni Macon hanggang sa nakita ko silang magkasama ni Eina.
Ayoko na sanang maalala lahat pero wala eh. Sadista si Otor. =_=
*Flashback*
"Ariz!"
"O?"
"Break na si Kuya Monty at yung witch!"
Tinaasan ko lang sya ng kilay at nanood na ulit. Bakit ba ang pogi ni Ben Barnes? Nakakapagdrool! Tapos sobrang sexy pa nya tapos parang ang sarap nyang ya--
"Uy Ariz! Nakikinig ka ba? Sabi ko--"
"Break na ang kuya mo at yung witch. Tapos?"
"Di ka ba natutuwa? May chance ka na kay kuya!"
"Ah."
Ohmygod! Ang pogi nya talaga! AS IN!
"Ariz Villanueva! Ano ba yang pinapanood mo at di kita makausap ng maayos?!"
BINABASA MO ANG
One-Shot Stories :)
Teen FictionCollection of short stories written by yours truly. Spread the love. ★ All rights reserved. elyj17 Edited: 2019