Fyre's Love

255 2 0
                                    

Fyre's Love

© percico-is-love



"Go Bigas! Kaya mo yan! Wuu!"

"Wag ka ngang maingay! Pag umulit na naman ako, malilintikan ka sa'kin!" Asik niya kay Fyre na patalon-talon pa.

"Gusto lang naman kitang suportahan. Alam kong kailangan mo ng inspirasyon kaya dinala ko ang kagwapuhan ko dito."

Hindi na lamang niya pinansin ang mga sinasabi ni Fyre at buong konsentrasyong inilagay ang King of Diamond sa ibabaw ng tore.

"At dahil mabuti akong mamamayan, I'm here now. See, I'm always thinking of your welfare. I'm really such a nice guy. Bonus pa na sobrang gwapo ko. At mayaman. I'm the best catch, don't you think?"

"Do shut up, Fyre."

Nilalagay pa lamang niya ang huling baraha sa tuktok ng biglang sumigaw si Fyre. Nagulat siya, so consequently, hindi sinasadyang nadali nya ang tore at gumuho ang kalahati nito.

"Fyre!" Impit na tili niya. Dali-dali itong lumapit sa kanya at napapalatak nang makita ang tore.

"Ang tanga mo naman Bigas. Bakit sinira mo yang House of Cards mo? Di ba 5 days mo nang ginagawa yan?"

"Sinong tanga?" Madilim ang mukhang tumingin siya dito, her voice dangerous.

"Ikaw. Timo, gumuho na yung tore o. Tanga ang tawag dun, Bigas."

Tiningnan niya lalo ito ng masama. Siya pa daw ang may kasalanan samantalang kung hindi ito humiyaw, hindi niya masasagi ang ginagawa niya. Her blood was near its boiling point at parang balewala lang ito kay Fyre.

"Ako pa talaga ang may kasalanan? Ako pa talaga ang tanga?" Nanggigil na sigaw niya.

"O easy ka lang. Ikaw naman, Bigas. Hindi mo ba alam ang ibig sabihin nun? T for Talented. A for Adorable. N for Naughty. Este, Nice pala. G for Good-looking. At another A for.. Uhm. A for.."

Nag-isip pa ito habang masama pa din ang pagkakatingin niya. May balak pa ata itong utuin siya!

"Ah! Alam ko na! A for Amiable!"

"Anong amiable?" Kunot noong tanong niya dito.

"My god! Amiable lang di mo pa alam? Amiable! It means.. Bola ng maya!"

Sukat sa sinabi nito ay naubos na ang kanyang pasensya kaya naibato niya dito ang suot niyang tsinelas.

"Get the hell out of here!"

"Bigas naman! Mawawalan ka na ng inspirasyon niyan!"

"Heh! Shattap! Labas!"

"Easy! Ang puso mo Bigas! Akala ko saging lang ang may puso, pati pala Bi--"

"Hindi ka lalabas?"

"Eto na nga, lalabas na!"

Naglakad na ito papunta sa may pinto. Pero bago ito makalabas, nakangisi muna itong bumaling sa kanya.

"Sigurado ka bang palalabasin mo ako? Baka mamiss mo ang kagwapuhan ko."

Tanging pintuan na lamang ang nakinabang sa ibinato niyang tsinelas. Narinig pa niya ang malakas nitong halakhak. She let out an exasperated sigh before she turned to look at the ruined House of Cards. Hindi niya maintindihan kung bakit nagtitiis pa din siya sa pagmumukha ni Fyre. Best friend 'kuno' niya ito simula elementary. Pero di tulad ng ibang best friend, wala itong ibang alam gawin kundi ang asarin siya kapag magkasama sila. Bigas ang tawag nito sa kanya, dahil rhyming daw ang pangalan niyang 'Ryce' at rice.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One-Shot Stories :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon