I Love You, Pareng Pag-Ibig
Hi Pare.
O, wag kang magulat. Alam kong hindi mo ineexpect ang sulat na 'to. Kahit ako naman. Kung tutuusin, pwedeng pwede ko namang sabihin na lang sayo ng personal. Palagi naman tayong nagkikita. Palagi naman tayong nag-uusap. Ewan. Siguro nahihiya lang akong sabihin ito sa'yo ng harapan.
Pa'no ba ko magsisimula?
Ah, siguro, dun na lang sa first impression ko sa'yo. Alam mo bang nung una, naaabnormalan ako sa'yo? Feeling ko ang yaman-yaman mo.. May sarili ka kasing mundo. Hindi ko alam kung nagdadrugs ka ba o sadyang mahilig ka lang kausapin ang sarili mo. Tapos lagi ka pang tatawa o magjojoke, hindi ko naman maiintindihan. Ang sarap mong sigawan ng 'LAYAS SA HARAPAN KO!!' Feeling ko kasi mahahawaan mo ko ng virus mo.
But then, unti-unti, I got to know you more. Naks, english! Kidding aside, nung mas makilala kita, saka ko lang narealize na tao ka din naman pala. Sadyang masayahin ka lang talaga. You love making other people laugh, kaya palagi kang nagjojoke (kahit minsan corny).
Akala ko yun ka lang. Yun pala, *ehem* chickboy ka din. Aba akalain mo yun? Hitsura mong yan, nagpakachickboy ka pa? Wow, gwapo mo brod! Tanda mo nung niligawan mo si N? Grabe, nakakatuwa kasi lagi mo syang hatid sa school, kahit pa ikaw mismo, malate. Ewan ko nga lang kung bakit pero bigla na lang kayo nagkawalaan. Tch. Sayang din yun oi!
Tapos, biglang dumating si F. Niligawan mo sya, naging kayo kahit kabebreak lang nya nun sa boyfriend nya. Masaya ako nun para sa inyo. Syempre, truepa ko kayo. Gusto ko, happy kayo.
Pero syempre, di naman lahat ng bagay nagtatagal. Nagbreak kayo, nagkabalikan sila ng ex nya. Mula nun, nag iba ka na. Di pa tayo masyadong close nun kaya di ko talaga alam ang nangyari. Di ka naman kasi nagkukwento sa'kin.
Tapos umalis ka. Nawalan tayo ng communication, di na gaanong nagkakasama. Pero after a few months, bumalik ka ulit.
Tulad ng dati, abnuy ka pa din. Ilang beses pa kayong nagbreak ni F pero nagkakabalikan din naman agad. Ang engot nyo 'no? Para kayong mga tanga. Paikot-ikot lang.
One time na magkakwentuhan tayo, natuwa ako nung bigla kang magshare sa'kin ng tungkol sa inyo. Yung mga kabitteran mo sa buhay kinwento mo. Sabi mo ayaw mo na. Sabi mo hinding-hindi na magiging kayo. Sabi mo bahala na sya sa buhay nya, na wala ka ng pakialam sa kanya.
Alam mo pakiramdam ko nun? Wala..
Walang kasingsaya.
Pakiramdam ko kasi, level up na tayo. Di na tayo basta friends na lang. 'Close' friends na tayo kasi nga nagagawa mo ng magshare sa'kin ng mga ganun kapersonal na bagay. Natuwa din ako kasi after nung kwentuhan nating yun, madalas na tayo magkatext at magkausap. Level up na talaga!
Nakakatuwa. Kasi kung kailan ka bumalik, saka naman tayo naging mas close. Naaaway na kita. Naaasar. Napagtitripan. At alam mo dahil dun? Mas lalo lang kitang nagustuhan.
Gulat ka 'no? Di mo siguroT alam. Gusto kaya kita, matagal na. Di ko nga alam kung engot ka o tanga o manhid ka lang sadya. O baka combination nung tatlo. Pero basta! Now you know.
Then yun nga. Nagulat na lang ako nung malaman ko na kayo na pala ulit. Ano? Nabusog ka ba sa mga kinain mong sinabi mo dati? Masarap ba? Sabi na kasing wag magsasalita ng tapos. Yan tuloy, umasa pa ako.
Gagu ka kase. HAHAHA. Nakakasura ka. Asang asa ako na may chance na ko. Na pwede ng magkaroon ng 'tayo'. Kaso hindi eh. Sya pa rin talaga ang gusto mo.
Ano bang nakita mo sa kanya? Maputing balat? Gagamit na ko ng Glutathione! Braces? Shutanginames, lagyan ko ng alambre yang bibig mo para di ka na mainggit.
Ano? Madami kang ayaw sa'kin? Yung smoking and drinking habits ko? Bakit, naggaganun din naman sya ah! Yung pulang buhok ko? Oo na! Kukulayan ko na ulit! Blue naman para masaya. Ano pa? Di naman ako maarte ah. Ang bait ko nga eh.
Leche ka. Bwisit.
Kita mo?? Kaya kong baguhin sarili ko para lang magustuhan mo ako. Wow ha, gwapo mo ah. Yeboi!
Hutaena ka. Wala pang lalaking nakapagpaiyak sa'kin. So what makes you different? What gave you the right to make me feel like this?
Sige na. Ngangawa lang muna ko. Ang sakit na kasi.
Sige.
Pakyu ka.
Sana magbreak ulit kayo. HAHAHAHA. Hindi yan joke.
Ktnxbye.
-S
PS.
I love you, Pareng Pag-ibig.
------
A/N: Wala ng magtatanong kung tunay 'to o hinde. Kayo na bahalang umintindi. K?
BINABASA MO ANG
One-Shot Stories :)
Teen FictionCollection of short stories written by yours truly. Spread the love. ★ All rights reserved. elyj17 Edited: 2019