Jeepney Love Story
Tanda mo pa ba ako?
Pero siguro..
Hindi na.
Hindi na kasi tayo nagkakasabay sa pagsakay ng jeep.
Ni hindi na nga tayo halos nagkikita.
Siguro busy ka lang sa school. O kaya madami ka lang inaasikaso.
Tanda mo pa ba ako?
Ako ‘to!
Yung babaeng madalas mong makasabay pag uwian. At kung minsan pa nga, pag papasok ka sa university, nagkakasabay din tayo. Nagkakatabi pa nga tayo minsan!
Tanda mo pa ba ako?
Sana naman, oo.
Kasi ako?
Di kita makalimutan eh.
Alam mo kung bakit?
Minsan mo na kasi akong nginitian.
Minsan mo na kong napansin.
Minsan mo ng napansin yung existence ko.
Tanda mo ba nung una tayong nagkasabay sa jeep? Magkatapat lang yung inuupuan natin. Patingin-tingin ako sayo. Kasi unang beses pa lang kitang nakita, nakuha mo na agad ang atensyon ko.
Pero di ko alam kung napapansin mo ko. Nakashades ka kasi nun, tapos, may headset ka pa sa tenga. Gusto sana kita kausapin, kaso ayoko naman na isipin mo na feeling close ako.
Kaya nung araw na yun, nakuntento na lang ako sa palihim na mga tingin sayo.
Sana..
Makasabay ulit kita sa pagsakay ng jeep.
Miss na kasi kita eh.
-------------------
Hi.
Kilala mo pa ba ako?
Sorry ha?
Naging busy kasi ako nitong mga nakaraang linggo.
Hindi tuloy tayo nagkakasabay sa pagsakay ng jeep.
Kamusta ka na?
Nakakatawa pero..
Ni hindi man lang ako nagkakalakas ng loob para itanong ang pangalan mo.
Pero..
Pero minsan, hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Nginitian kita.
Ang saya ko nga nun.
Kasi ngumiti ka din sakin.
Naalala ko tuloy nung unang beses tayong nagkasabay sa jeep.
Yung jeep ni Mang Tony?
First day of school nun, nakita ko sa lanyard mo na magkapareho tayo ng university na pinapasukan. I was wearing my favourite shades, at nakalagay ang headset ko sa tenga.
Pero alam mo ba?
In-off ko yung music sa iPod ko ng sumakay kayo ng kaibigan mo.
Gusto ko kasi marinig yung boses mo.
Tapos, buti na nga lang, nagshades ako.
Di mo napansin na ikaw lang ang tinitingnan ko.
Sana makasabay ulit kita sa jeep.
Gusto ko na kasing malaman ang pangalan mo.
BINABASA MO ANG
One-Shot Stories :)
Teen FictionCollection of short stories written by yours truly. Spread the love. ★ All rights reserved. elyj17 Edited: 2019