“Is anything really over? Do things ever really end? No lingering after effects?”
A Second Chance on Love (2)
First day of school. Sana pala sumabay na lang ako kay Jess sa pagpasok. Nakakainis! Mukha tuloy akong mangmang dito. :((
Naglakad ako papunta dun sa may bulletin para tingnan kung saan ang first room ko. Kinokopya ko yung sched ko ng may biglang kumulbit saken.
“ANO BA?!”
Psh.
Alam nio kasi, pinakaayaw ko sa lahat eh yung kinukulbit ako. Kinikilabutan kasi ako.
Nagulat na lang ako kasi isang.. Isang napakagwapong nilalang pala ang kumulbit sakin! Pero kahit na! Kahit pa gwapo sia, di naman nia dapat ginawa yun! ‘Twas so unethical!
“Bakit mo ko kinulbit?!”
“Masama ba?” ^_____-
“OO! Di ka ba tinuruan ng manners?! What you did was unethical!”
“Oh. Yea. I know.”
“Alam mo pala eh! Bat ginawa mo pa din!?”
“Kanina ka pa kasi tinatawag ng pinsan ko. Hindi ka naman tumitingin.”
Napakunot ako ng noo. Pinsan? Sinong pinsan?
Napansin nia siguro yung confused expression sa aking fez kaya itinuro nia kung sino yung tinutukoy niang pinsan.
“SI Jess?! Pinsan mo si Jess?!”
“Oo.”
Tumingin lang ulit ako dun sa nangulbit sakin tas lumapit na kay Jess.
“BF. Sino naman yun?! Pinsan mo ba talaga sia? Bat ngayon ko lang ata sia nakita?”
“Hindi naman kasi natin sia schoolmate. Sa probinsya yan nag-elementary at high school.”
“Ah. Anong pangalan nia?”
“Xander. Xander Hanley Adams.”
“Okay.”
Lumapit na ulit kami ni Jess dun sa Xander na yun. Classmate pala namin sia. Kaya naman for the whole day, kasama namin sia. Isa lang ang napansin ko --- masiado siang tahimik at suplado. Maraming girls ang lumapit at nagpapansin sa kania pero ni isa sa mga ito hindi nia kinausap. Basta lang nia sinungitan.
“Oy BF.”
“Ano?”
“PMS-ing ba yang pinsan mo? Bakit ang sungit?”
“Nakut BF! Masanay ka na. Ganan talaga yan. Pero mabait naman yan.”
“Sus! Sayo lang ata mabait yan eh!”
Tumawa lang si Jess tas naglakad na kami sa next room namin.
FAST FORWARD!!
Three months na din kaming pumapasok.
(A/N: Sorry sa mabilis na timeline ><)
And injerness. Close na kami ni Xander. Hindi na sia suplado at masungit sakin. In fact..
Ayon sa aking ever-beautiful BF, ako lang daw, aside from the female members of their family ang kinakausap ng ganito ni Xander. Astig di ba? :)))
BINABASA MO ANG
One-Shot Stories :)
Teen FictionCollection of short stories written by yours truly. Spread the love. ★ All rights reserved. elyj17 Edited: 2019