CHAPTER ONE
Los Angeles, California.
Year 2007.
NAHIHILO na si Eugene sa pagkakabisado ng mga batas na kailangan niyang malaman tungkol sa pagpapatakbo ng isang malaking kompanya. May one week break na ibinigay sa kanila ngunit kailangan niya pa ring mag-aral dahil sa nalalapit na finals.
He's studying at The Paul Merage School of Business which is in the University of California-Irvine. Kapag matataas ang grades niya, puwede siyang mag-apply sa Stanford University for his Masters degree. He needed to study really hard.
Sa Irvine, California ang tinutuluyan niyang bahay. Ngunit dahil may isang linggong bakasyon, his uncle asked him to have a vacation in Los Angeles. Uncle Johnny reserved him a hotel suite in the Montage Beverly Hills. Mag-enjoy daw siya at magpahinga. But instead of relaxing, Eugene chose to bring his books and read in advance.
Tumayo siya, binitbit ang makapal na libro at bumaba sa café ng hotel.
"Black coffee, please," he ordered immediately. He paid and searched for a seat. No vacant, though. Except if he's going to ask to share a table.
Bumalik na lang kaya siya sa kuwarto niya? Ngunit sa tuwing nakikita niya ang kama ay naaakit lang siyang matulog. He can't study properly if that's the case.
Nakakita siya ng puwesto na pangdalawahan. Isang babae lang ang naka-upo roon at nagsusulat sa isang papel. Mukhang wala naman itong kasama kaya't naglakas-loob na siyang lumapit para lang may maupuan.
"Excuse me?"
Nag-angat ng tingin ang babae. "Yes?" her soft voice asked.
Walang mahagilap na salita si Eugene nang magsalubong ang kanilang mga tingin. At kahit hangin, tila siya kinapos dahil sa mga magaganda nitong mga mata.
In a snap, Eugene felt the time stood still.
There were a lot of girls, but this one...
She got him. Eugene's totally smitten.
***
DALAWANG araw nang nasa California si Tanya kasama ang Yaya Delie niya. Magbabakasyon sila doon ng dalawang linggo. So far, she's enjoying her stay, pero parang may kulang na hindi niya mapagtanto.
Hindi makatulog si Tanya at wala siyang makitang magandang mapanood sa cabled T.V.
Napabuntong-hininga siya at napatingin sa Yaya niyang mahimbing nang natutulog. Matanda na ito kaya mabilis nang mapagod.
Bumangon siya sa kinahihigaan, nagsuklay ng buhok saglit, at saka nagpatong ng coat. Bababa na lang siya sa café ng hotel. Masarap ang frappe doon. She wanted to try it, again.
Umupo siya sa isang lamesa sa pinakasulok ng café. A waiter asked for her order. Hindi nagtagal ay nakuha niya rin agad ang inaasam na vanilla frappe.
Nanghingi siya ng papel at ballpen sa isang staff. These were immediately brought to her. She started writing a certain idea that popped out from her mind. Writing anything is her passion.
She was so driven in what she's doing when she heard a man's voice. Nag-angat siya ng tingin at nakita ang isang guwapong lalaking nakatunghay sa kanya.
"Yes?" aniya rito.
Nagtaka si Tanya nang hindi ito sumagot. Bagkus, nakatitig lang sa kanya ang lalake. Napakunot-noo siya. Anong nangyari rito? Bakit parang nakatulala?
BINABASA MO ANG
Irresistible Eugene (TTMT #1) - Published by PHR
RomanceEugene Arguelles-a kind-hearted, gorgeous, serious, and irresistible single father. Nakilala niya ang babaeng babago sa kanyang buhay. Tanya Aragon-gusto lang niyang magkaroon ng ligtas at tahimik na buhay. She found it in the arms of a kind-hearted...