Chapter Two

193K 4.8K 566
                                    

CHAPTER TWO

KINABUKASAN, saktong bumaba si Tanya sa lobby ng hotel ng alas nuwebe y medya ng umaga. Nakita niya agad si Eugene na suot ang brown winter coat nito. He effortlessly stood out from the crowd.

Mabilis siyang lumapit rito. "Hi..."

"Hey."

Nagkangitian sila. At sabay ding nag-iwas ng tingin sa isa't isa.

"Ahm, aalis na ba tayo? Where's your Yaya?" Eugene asked.

"Ano kasi, Yaya Delie has arthritis. Kanina daw umatake kaya hindi siya makakasama," aniya. Totoong inatake ng arthritis ang tagapangalaga. Hinayaan lang siya nitong lumabas dahil sinabi niyang nakatagpo agad siya ng bagong kaibigan sa katauhan ni Eugene.

Nakakaintinding tumango ang binata. "So, it's just you and... me?"

"Y-Yeah... ayaw ko na sanang lumabas pero kasi..."

"Kasi?"

Paano ba dapat sabihin ang "I want to see you" na hindi masyadong direct? Hindi siya halos nakatulog kanina sa kakaisip kay Eugene. She is obviously attracted to him. At ngayon na lang ulit siya nagka-crush after her sister died.

"G-Gusto ko talagang mamasyal. Gusto ko sulitin ang bawat araw na nandito ako dahil hindi ko na alam kung kailan ako makakabalik ulit."

"Tama nga naman. Siguro, pagbalik natin ay magiging okay na ang Yaya mo. Uminom na ba siya ng gamot?"

"Yes."

"If that's so, I think there's nothing to worry about." Iniabot nito ang palad. "Let's go?"

Wala pang beinte-kuwatro oras silang magkakilala pero heto, humawak na si Tanya sa kamay ni Eugene at sabay silang naglakad. There's something in him that she can't resist. Kagabi pa iyon. The moment she let him share a table with her.

It felt so right holding a mere stranger's hand. 

No.

 It felt so right holding Eugene's hand.

His big hand felt so warm against hers. Namula ang mga pisngi niya ngunit hindi niya binawi ang mga kamay hanggang sa pinagbuksan siya nito ng pinto ng Volvo nito.

May trahedyang nangyari noon na nagpawala ng tiwala ni Tanya sa mga tao. Pero kay Eugene ay agad niyang ibinigay iyon.

"Saan tayo pupunta ngayong araw?"

"Do you still go for theme parks?"

She smiled so widely. She only turned twenty last month. Kaaalis lang sa pagiging teenager, but still, she's always a child at heart. "Yes!" She responded with glee. 

Kung kasama niya si Xan ngayon ay paniguradong iyon din ang gusto nitong puntahan. Isa pa, kagagaling lang niya mula sa sakit niya. Kaya ngayon na lang siya mag-e-enjoy ulit.

Napangiti rin ito. Mukhang sabik din katulad niya. "We'll go to Universal Studios. After that, we'll explore Hollywood."

Nanlaki ang mga mata niya. Hollywood! Matagal na nilang pangarap ni Xan na makapunta roon.

Hindi mapakali si Tanya hanggang sa makarating sila sa Universal Studios.

"Magkano?" tanong niya kay Eugene pagkatapos nitong bumili ng ticket para sa kanila.

Irresistible Eugene (TTMT #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon