Chapter Twenty-Two

123K 3.5K 339
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

LAHAT ng pinakatatago-tago ni Tanya na sakit, hirap, at pandidiri sa kababuyang ginawa sa kanya ng sariling kapatid ay nagbalik nang lahat. Wala na siyang takas. 

More than six years is enough for her to be weak and afraid. Ibinaon niya na iyon kasabay sa pagbaon niya sa sarili niyang pagkatao.

Ganitong-ganito siguro ang nararamdaman ni Xan sa huling sandali ng buhay nito. 

Para sa taong ninakawan ng dignidad, pinagsamantalahan, at hindi man lang nakalaban para sa sarili nito, mabuti na lang ang kamatayan ang sumunod kaysa magpatuloy ang buhay.

At sa bawat oras na  lumipas ay paulit-ulit na maalala ang isang kawalanghiyaan na magpapadurog sa buo niyang pagkatao. For her, being raped and to still continue to live is as good as being murdered.

"A-Ang dumi-dumi ko na, Eugene. Nandidiri ako..." Umangat ang mga kamay niya sa sariling leeg at kiniskis iyon na parang may pilit na binubura roon. "Bawat nakadidiring halik, bawat pagdapo ng mga kamay niya, nararamdaman ko pa rin sa tuwing kailangan kong balikan iyon! I was raped by my own brother. My sister was raped because of my other brother. This life is fucked up!"

She cried more before looking straight at him. Hindi niya na maintindihan ang itsura ni Eugene. Halo-halo ang emosyon sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Alam niyang nagulat din ito sa lahat ng isiniwalat niya.

Napalunok siya. "Now, tell me, Eugene..." Tumalim na ang mga tingin niya. "Mahal at tanggap mo pa rin ba ang isang kagaya ko?"

Binitiwan nito ang mga balikat niya. Marahas itong tumalikod sa kanya.

Napayuko siya at parang gusto na naman niyang maiyak. Ngunit mapait siyang napangiti. Iyon ang iniiwasan niyang mangyari oras na malaman nito ang pinakatinatago niyang bangungot—ang talikuran siya nito at pandirian.

Nababoy na siya. Ano pang kamahal-mahal sa kanya?

Nang tumingala siya ay napasinghap siya nang makita si Eugene na nakaharap na ulit sa kanya, may luha sa mga mata nito!

Umiiyak ito!

"E-Eugene..."

Lumapit ulit ito sa kanya. 

At nang nasa harap na niya ito ay napasinghap siya sa sumunod nitong ginawa. Lumuhod ito sa harap niya!

He cupped her face.

He looked at her.

At napatanga na lang si Tanya sa mga mata nitong ganoon pa rin kung tumingin sa kanya.

Puno pa rin ng pagmamahal!

"Ngayong nalaman ko na, mas tumindi ang hangarin kong maipakulong sila, Tanya. We'll fight for your justice," mariing sabi nito habang nagtatagis ang mga bagang. "And I'll be here to make sure that you will get it."

She bit her lower lip as she's going to cry again. "E-Eugene."

"And. Remember. This." He gently brushed away the tears from her face. "Kahit ano pang malaman ko sa'yo, tanggap ko. Mahal na mahal kita, Tanya," madamdaming sabi nito.

Hindi ito bumitiw ng tingin. Tiningnan siya nito na tila wala siyang bahid ng kahit anong dumi. "I love you. No less but much more."

Then, he grabbed her inside his arms. 

Napahagulgol siya dahil hindi siya makapaniwala sa pagmamahal ni Eugene sa kanya! May tao pa palang handang tumanggap sa kanya? Parang ayaw niyang maniwala.

Ngunit, heto si Eugene. Hindi siya nito tinalikuran. Hindi ito umalis. Niyayakap siya nito nang sobrang higpit at umiiyak kasama siya ngayon!

Gumanti siya nang mas mahigpit na yakap dito. 

Irresistible Eugene (TTMT #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon