Chapter Nine

133K 3.5K 439
                                    

CHAPTER NINE

NANG pumasok ang sasakyan ni Eugene sa Tagaytay Highlands ay hindi na nagulat pa si Xan. Ang town house ay nasa Alta Mira—isang subdivision sa loob ng Tagaytay Highlands. At doon na talaga siya napatunganga sa sobrang karangyaan ng buong lugar.

Nagtanggal siya ng seatbelt nang makapasok ang sasakyan nito sa gate. Isinukbit niya ang shoulder bag bago lumabas. Isinara niya ang pinto ng kotse at nakita niya si Eugene na kinuha ang mga gamit nila sa likod niyon.

"Papa? Papa!"

Napalingon si Xan at nakita ang isang batang babae na tumatakbo palapit sa kanila. Nilagpasan siya ni Heart na may pink bandana sa ulo at naka-pink pajamas din. Dire-diretso ito kay Eugene na nang makita ang anak ay agad na napangiti nang malawak.

"Papa!" masayang sabi ni Heart at saka tinalon ang ama. Agad itong binuhat ni Eugene. "Papa, I've been waiting for you. I missed you," malambing na sabi ng bata. Matunog ang naging paghalik nito sa pisngi ng ama.

"And I missed you more, Darling. How many days didn't you see me? Nabilang mo ba?" masuyong tanong nito sa anak habang naglalakad palapit sa kanya.

"Sixteen days, Papa."

Hinigpitan ni Eugene ang pagyakap sa anak nito. "Let me make up to you, okay? Naging busy si Papa sa trabaho."

"I can go outside na and ride a horse with you?"

"Yes, we will. Anywhere you want to go, pupuntahan natin," nakangiting sabi ni Eugene sa anak.

Si Xan naman ay parang lalong nagka-crush kay Eugene. Lalo na at nakikita niya ang soft-side ng lalaki ngayon.

Grabe! Kailan ba naging appealing sa kanya ang lalaking may anak na? Ngayon lang yata. At si Eugene lang ang may ganoong karisma!

Therefore, I conclude, mas malandi ang puso kapag brokenhearted at si Eugene ay nasa tabi-tabi lang.

"By the way, Heart, she's Xan," Eugene introduced her.

"Hi, baby girl!" magiliw na bati niya sa bata. Totoong napangiti siya nang malaki at kumaway pa rito.

Nawala ang ngiti sa labi ng bata at tiningnan lang siya, poker-faced. Bumaling ito sa ama. "Is she your girlfriend?"

"Yes, she is. So, she's gonna be your new mom."

Hindi na siya nagulat na ipinakilala siyang girlfriend ni Eugene. Napag-usapan na nila iyon sa biyahe kanina.Siyempre, more than willing siya na maging 'girlfriend' ni Eugene. Para naman maging nanay daw talaga ang tingin sa kanya ni Heart.

Heart's doll eyes stared at her. Ngunit masama ang tingin ng mga magagandang mata na iyon.

Napaurong ang leeg ni Xan. Para kasi siyang sasakmalin nito.

"Bakit siya ang girlfriend mo?" biglang pagtataray ng bata.

Napatingin muna sa kanya si Eugene bago sumagot. "Because she loves me. She loves you, also. Right, Xan?"

Mabilis siyang tumango. "Yes, of course! Excited nga akong makilala ka, e," nakangiti pa ring wika niya kay Heart. Inabot niya pa ang kamay nito ngunit umiwas ang bata at yumakap sa leeg ng ama.

"Papa, let's go inside na."

Ang taray! Ini-snob siya!

Napansin naman iyon ni Eugene at nagpapaumanhin na tiningnan siya. Nag-thumbs siya rito para iparating na walang problema.

May tatlong kasambahay na lumabas at inutasan ni Eugene ang mga iyon na magdala ng gamit nila.

Iginiya siya ng lalaki papasok ng napakalaking town house na pag-aari daw ng Lola ni Heart. Nasa porch pa lang sila sa harap ng malaking bahay nang mapahinto si Xan.

Irresistible Eugene (TTMT #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon