Chapter Twenty

104K 3.3K 291
                                    

CHAPTER TWENTY

NAGISING si Xan. Medyo hilo pa siya pagkabangon niya.

Anyare?

Naalala niya na nasa cabinet sila nagtatago ni Heart kanina. Mas napamulat siya ng mata at nagpalinga-linga. Nasa loob siya ng isang van na nakahinto, siya lang ang tao sa loob.

Madilim na sa labas ng bintana. Pero naka-park ang kotse sa isang tabi.

Bigla siyang sinaniban ng panic. Omaygad! Nakidnap ba siya kanina at ngayon ay soon to be killed na? Oh no!

Nasaan na si Heart? Si Eugene?

Mabilis niyang binuksan ang pinto ng van at akmang lalabas. Ngunit natigilan siya nang makita si Eugene at buhat nito si Heart na natutulog sa balikat nito.

"Eugene! Eugene bebe!" Bigla siyang na-excite at mabilis itong niyakap. Kahit nasa pagitan nila si Heart, kiber na.

"Xan..."

"Eugene! Salamat kay Lord, ligtas ka! Akala ko ano na nangyari. Akala ko nahuli na kami ng Darren na iyon sa loob ng cabinet." Mas humigpit ang yakap niya rito at kay Heart. Nagpasalamat siya sa Diyos sa kanyang isip. Dininig Nito ang dasal niya!

"Everything's alright now, Xan," kalmado at marahang sabi nito. She felt his one arm snaked around her waist.

Lumayo ito pagkatapos ng ilang sandali at inihiga nito ang bata sa loob ng van. Pagkuwa'y humarap ulit ito sa kanya.

"Ano bang nangyari, Eugene? Nakarinig ako ng putukan ng baril. Akala ko ano nang nangyaring masama sa'yo. Nasaktan ka ba?"

Umiling ito. "Nasa detention na ngayon si Darren. Nagsampa na 'ko ng kaso."

Para siyang nakahinga nang maluwag. "Grabe. Akala ko end of the world ko na kanina. Ano bang nangyari nang mabuksan ang cabinet? Iyon lang kasi huli kong naaalala."

"Hinimatay ka."

Napangiwi siya. "Oo nga e. A-akala ko lumabas si Tanya." Napalunok siya. "Nakita ba kami ni Darren?"

"No. I hit him on the head with a gun before he could open the cabinet."

Nanlambot ang mga tuhod niya. Inilibot niya ang paningin. "Nasaan tayo?" Marami siyang nakikitang puno. Parang nasa park sila. May mga lalaki rin siyang nakita sa hindi kalayuan. Mga naka-itim na shirt ang mga ito. Iyon siguro ang security ni Eugene.

"Kikitain natin ngayon si Attorney Atayde. She's the lawyer of your mother. Siya ang nagdedesisyon sa mga kailangang gawin patungkol sa kaligtasan ni Heart."

Tumango siya. Pero medyo may hang-over pa rin siya sa mga nangyari kanina. "A-ano ba ang kailangan ni Darren?" she asked.

"Some important documents na nasa basement daw ng bahay. He badly wants it. Dahil doon, nagsimula ang gulo lalo na nang nanlaban ako. Then, he heard Heart screamed kaya lalo siyang nagpumilit na makababa ng basement."

Automatic na umangat ang kamay ni Xan papunta sa pisngi nito nang mapansin niyang may pasa at sugat ito doon. Napaigtad ito kaya bigla niyang nabawi ang kamay.

"M-Masakit ba?"

"A bit, yes. But after we talked to Attorney Atayde, gagamutin ko na 'to."

Tinitigan niya ito nang matagal. Nakatingin lang din naman ito sa kanya. And looking straight into his eyes, a certain feeling enveloped her heart.

At dahil napapa-English na siya, she knew that her feeling was more serious now. Kung tutuusin kahit more than a month pa lang silang nagkakakilala nito, kilala na ito ng puso ni Tanya na puso niya rin naman.

Irresistible Eugene (TTMT #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon