Chapter Ten

146K 3.3K 247
                                    

CHAPTER TEN

HINIHINGAL na umupo si Xan. Susuko na siya kay Heart! 

The little girl was boringly staring at her.

Sumayaw, kumanta, tumula, at nag-interpretative dance na siya sa harap nito ngunit, waley sa bata ang efforts niya. Nag-costume at make-up pa siya! Ngunit ni-isang 'ha' wala siyang narinig mula sa bata.

"Talaga namang sinusubok mo 'ko, eh, 'no?" hinihingal na sabi niya rito.

"Just go home, Xan. You danced badly," malditang sabi nito.

Napakamot siya sa ulo. Pang-limang araw na niya sa town house na iyon ngunit hindi niya pa rin makuha ang loob nito. Malapit na siyang umayaw talaga! Pero sa tuwing naaalala niya si Eugene na inasikaso siya sa nakalipas na mga araw, hindi niya magawang sukuan ang pagkuha ng loob ni Heart.

Dalawang araw na lang at babalik na si Eugene sa Maynila para sa trabaho nito. Gusto niya sanang maiwan siya doon na alam nitong okay na okay sila ng anak nito. Pero si Heart, napaka-"cooperative" lang talaga. Ni minsan ay hindi siya kinakitaan ng amor!

"Alam mo, Baby girl, mapapagod ka lang kamamaldita sa'kin pero nunca na mag-walk-out ako sa'yo, kahit gustong-gusto ko."

"What?"

"I said, I won't go home," she emphasized every word. "Kapag umuwi ako, uuwi ako sa bahay ng Papa mo tapos gagawa kami ng ibang baby, gusto mo ba iyon?" pananakot niya rito.

Inirapan siya nito. "Hindi ka naman talaga girlfriend ni Papa. Bakit hindi kayo sweet? Bakit hindi kayo nagki-kiss?"

Nganga siya! Aba'y smart observer ang bata! "Ah, eh... kasi hindi naman kailangan na ipakita namin sa'yo na nagki-kiss kami. Sa gabi kami nagki-kiss kapag nasa dreamland ka na," palusot niya pa.

"Hindi ka girlfriend ni Papa," giit pa rin nito. "Don't fool me. I'm smarter than you, you bad dancer!" Tumayo ito at mabilis na lumabas ng garden.

Mabilis na sinundan niya ito. "Hey, baby girl! Sumosobra ka na, ha!" Nilapitan niya si Heart na nakaupo na sa swing. "Sabi ko sa'yo, bad ang nanlalait. Malulungkot si Papa God kasi nang-aaway ka ng maganda. Tsk, tsk."

"Why do you need to be here pa kasi?"

"Kasi nga, I'm your new Mama!"

"I don't need a new Mama. Wala naman talaga akong Mama. I only have my Grandma but... she's gone..." malungkot na sabi nito habang nakayuko.

Bigla siyang naantig. May kung anong kumukurot sa puso niya. Umupo si Xan sa damuhan. "Heart, huwag ka nang malungkot, okay? If you don't want me to be your mudrakels, I can be your bestie."

Tiningnan siya nito. "Pero, hindi ka talaga girlfriend ni Papa?"

Napakurap siya. Ang hirap magsinungaling sa bata!

Inirapan siya nito. "Kung girlfriend ka talaga ni Papa. Magki-kiss kayo dapat! Right here, right now!"

"Ay, taray!" Natawa si Xan. "Kung alam mo lang, gustong-gusto ko iyan! Kaso, Baby girl, tulog pa si Papa mo sa kuwarto niya. So, next time na lang."

"No! Gusto ko mag-kiss kayo, now na!"

"Bet ko 'yan! Bet na bet talaga!" loka-lokang sabi niya. "Kaso nga kasi tulog pa si Eu—"

"What's happening here? Bakit nagsisigawan kayo?"

"Ay, guwapo!" gulat na bulalas ni Xan sabay lingon sa pinanggalingan ng boses. "Ay, guwapo nga!"

Irresistible Eugene (TTMT #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon