CHAPTER ELEVEN
NAKA-SCHEDULE ngayon ang huling chemotherapy ni Heart. Ngunit bago pumuntang ospital ay gusto muna daw nitong maging prinsesa. Tuwang-tuwa naman si Xan na ayusan ito.
Heart is a very gorgeous little kid. Girl version ni Eugene! Para lang siyang nag-aayos ng manyika habang sinusuotan si Heart ng princess costume nito.
"Ang ganda-ganda naman ng Baby girl ko," nanggigil siya sa magandang kinalabasan ng pag-aayos niya rito.
Tumayo si Heart at umikot sa harap niya. Her princess dress ballooned. "Thank you, Mama!"
Yumakap ito sa leeg niya at hinalikan pa siya sa pisngi. Nanggigigil na pinaulanan niya rin ito ng halik sa buong mukha. It was like a very familiar thing to do for Xan.
Manang-mana si Heart sa tatay nito. First impressions don't last pala talaga. Si Eugene, mabait talaga. Hindi suplado. Si Heart, malambing talaga. Hindi bratinella.
What's more? She had fallen to the father and daughter's charm so easily.
Binigyan ulit siya nang matunog na halik ng bata.
"I love you, Mama!"
Ang lawak ng ngiti ni Xan. Ang sarap sa pakiramdam niyon. Nasobrahan yata siya sa pagka-feeling mother dear. Parang anak niya na talaga si Heart! "I love you, too, Baby girl!"
"Mama, love mo rin si Papa?" biglang tanong nito.
Napatingin siya sa bata. Love? Hindi pa naman siguro.
Pero feel na feel niyang landiin. Puwede kayang isagot sa bata iyon? "Hmm. Siyempre naman. Kaya nga boyfriend ko siya, 'di ba?"
Tumango ito. "Okay. I just want to know. Kasi kapag nawala ako, ayokong walang nagla-love kay Papa."
"Hala, Baby girl, bakit ka naman mawawala?"
"I'm sick, right? So, I'm gonna die."
"Uy, hindi kaya! Last chemo mo na nga mamaya, eh. Tapos magdi-drink ka na lang ng medicines. Mawawala na ang sakit mo." Ikinandong niya ito at niyakap sa baywang. "Hindi ka mamamatay, okay? Hindi mo puwedeng iwan ang Papa mo. Love na love ka niyon."
"We don't know what will happen tomorrow."
"Tarush! Hindi nga natin alam kaya huwag kang negative. Ang bata mo pa, ganyan ka na mag-isip. Saka you will grow up pa at maraming manliligaw sa'yo. Magpapaasa ka pa ng maraming boys, okay?"
Ngumuso ito. "I don't want to grow up. I just want to be a little girl, so Papa can still carry me." Humalukipkip pa ito at sumimangot. "Ayoko rin ng ibang boys. Si Papa lang ang love ko."
"Habang bata ka pa, maganda 'yan na si Papa lang ang love mo. Ako rin ba, puwedeng siya lang ang love ko?"
"Puwede."
Impit siyang napatili. "Ang guwapo talaga ng Papa mo, e. Hindi ko talaga masisisi ang totoo mong mommy kung bakit nagpalahi siya kay Eugene beybeh."
"What?" 'di naintindihang tanong nito.
"Your Papa is so handsome. Yumminess overload!"
The little girl giggled. "Let's go downstairs. Nasa swimming pool si Papa." Bumaba si Heart mula sa pagkakandong sa kanya. Hinila nito ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Irresistible Eugene (TTMT #1) - Published by PHR
RomanceEugene Arguelles-a kind-hearted, gorgeous, serious, and irresistible single father. Nakilala niya ang babaeng babago sa kanyang buhay. Tanya Aragon-gusto lang niyang magkaroon ng ligtas at tahimik na buhay. She found it in the arms of a kind-hearted...