Chapter Eight

147K 3.4K 196
                                    

CHAPTER EIGHT

"HELLO! Si Johann 'to. Kaso, busy ang pogi kaya mag-iwan ka na lang ng message pagkatapos ng 'beep'. Salamat! Beep!"

Natawa si Xan sa narinig. "Hoy! Hanggang voice mailbox, loko ka pa rin. Consistent ang character mo, bes! Anyway, mawawala lang ako ng tatlong buwan. Ano... ahm... may pupuntahan lang ako. Mag-a-unwind. 'Di na kita inaya kasi nga busy ka. Huwag mo na rin akong hanapin at saka tawagan sa phone. Magchi-chill lang ako. 'Ayun, nagpaalam lang ako. Bye! Ingat!"

Pagkatapos niyon ay nag-check siya ulit ng mga gamit na dadalhin. Nang masigurong kompleto na mga gamit sa maleta, isinara niya iyon at ibinaba mula sa kama.

Bukas ng umaga ay susunduin daw siya ni Eugene. Dadalhin siya nito sa isang napakapribadong town house sa Tagaytay. His six-year old daughter lives there.

Una, hindi pa siya makapaniwala sa alok nito na maging nanay daw ng anak nito. Nang sinabi ni Eugene iyon kahapon ay natulala na lang siya. Napansin iyon nang lalake kaya bigla itong kumabig na "trabaho" ang gagawin niya.

Magiging pansamantalang ina siya ng anak nito. Babayaran pa raw siya nito sa loob ng tatlong buwan. Triple sa regular na sahod niya! Siya namang nasilaw sa datung ay gumora na!

Hindi niya masyado naintindihan ang paliwanag ng lalake kung bakit naghahanap ito ng magiging nanay ng anak nito. Tango lang siya nang tango at pumapayag sa gusto nitong mangyari. Hanggang sa makaalis siya sa opisina nito ay hindi siya makapaniwala sa pambihirang alok nito sa kanya.

Ang bilis niyang maniwala sa binata. Hindi niya nga alam kung talagang dadalhin siya nito sa anak nito bukas. Nagtiwala agad siya at sasama na agad kay Eugene. Sasama na siya kahit unang beses pa lang silang nagkakilala kahapon! 

But, she trusts her instincts, too.

Walang gagawing masama ang isang Eugene Lorenzo Arguelles. Dama niya!

Kinabukasan, maagang nagising si Xan. Mabilis siyang nakaligo at nakapag-ayos.

Pagkatapos ng dalawang oras, tinatanggal niyang lahat ang mga nakasaksak na appliances sa maliit niyang apartment. Hila-hila niya ang hindi kalakihang maleta palabas. May nakasukbit pang duffel bag sa balikat niya. Nang masigurong naka-lock nang maigi ang pintuan ay naghintay na siya sa may gate.

Hindi pa man sumasayad ang puwet niya sa bangko nang may marinig siyang busina. Agad siyang napatayo nang tuwid at napatingin sa tumapat na Volvo sa kanya.

Dinamba ng excitement ang dibdib niya. Bumaba si Eugene at nilapitan siya.

"G-Good morning," nakangiting bati niya rito. His wearing a casual brown shirt and pants. He looked younger and fresher!

"Good morning. Are you ready to go?"

Tumango siya at kinuha ang handle ng maleta. Kinuha din iyon ni Eugene kaya naman naglapat ang mga kamay nila. Nagkatinginan sila. Hirap na hirap si Xan itago ang kilig. Napangiti tuloy siya nang malawak.

"I'll take care of your things," anito. "Get in."

Inalis niya na ang kamay sa handle. "Sige. Thank you," kiming sabi niya. Sinundan niya muna ito ng tingin habang inilalagay nito ang maleta sa trunk. Pagkatapos ay sumakay na rin siya sa harapan ng kotse.

"Have you had your breakfast?" tanong nito nang nagmamaneho na paalis.

Napapitik siya. "Ay, hindi pala ako nakakain!" Sa sobrang excitement niya ay nakalimutan niya nang pakainin ang sarili.

Irresistible Eugene (TTMT #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon