Flashback
Buong akala ko masaya si Neil sa akin. I could still remember the day he proposed to me and that is in front of the entire crowd of Maleville High (fictional place) after nilang manalo sa isang championship game of basketball. Neil is a star player at back to back MVP ng campus namin. Actually, hindi ko nga akalain na magugustuhan niya ako noon. Well, although nag-aaral ako sa isang prestigious school, hindi pa rin naman nawawala yung ethics sa akin na magpatuloy pa rin na maging competitive at determined sa lahat ng ginagawa ko.
Before I thoroughly proceed, I'm Reign Hillary Barroza Del Valle. An 18 year old stunner, hailing all the way from the land of Pearl of Orient Seas, PHILIPPINES! Ayyy hala, Catriona Gray lang ang peg? Ako talaga ay from Quezon City and my family owns a clothing line company somewhere near Parañaque. And fortunately, patuloy sa pag-unlad ang aming business hanggang sa nakilala na ito sa buong Pilipinas. Yes naman.
Okay, going back to my narration, aminado rin naman ako that time na type ko rin siya kase nakikita ko naman sa kanya ang pagiging down to earth na tao although he's so popular at maraming babae especially cheerleaders ang nakikipagflirt sa kanya. (No to stereotypes.) But as far as I could remember, he remained faithful with her only one girlfriend, Frances. Frances is well known to be the smartest and 'Miss Perfection' just because of her physical attributes. I'm not that sure with the personality. Pero ang pagkakarinig ko ay may pagkamaldita side rin daw yun.
It's just that most of the students were all shocked one day nang nabalitaan nila na naghiwalay na ang dalawa just because of a major misunderstanding. Kalat na kalat ito at talagang pinagusapan yun almost weeks habang ako at ang mga kaibigan kong sina Verna, Winston, Monique at Christian ay deadma lang. Hindi kase kami yung tipo mangingialam ng may buhay ng may buhay. Because we believe, schools are primary intended for learning not for nonsense showbizness.
Napatunayan rin namin yun magkakaibigan nang makita namin isang gabi si Neil na lasing at nakikipagbugbugan sa harap ng isang bar. Mabuti nalang at may mga nakakita at rumescue agad sa pangyayari.
Paano kami naging close? Heto lang naman yung nangyari.
I was in a hurry that time kase I was the President of Student Council ng campus and we're having a meeting. Sa pagmamadali ko ay bigla akong nadapa at humagis halos lahat ng dala ko including my bag. I was shocked nang may malaking kamay ang nagsimulang magdampot ng mga nagkawalaan kong gamit habang patuloy ko pang dinaramdam yung sakit sa kanang tuhod ko.
Nakakapagtaka hindi naman kase ako clumsy. Is this destiny? Hahahahaha joke.
Pagkatapos niyang makuha lahat ay agad niya itong inabot sa akin at kinamusta ako.
"Hey Miss, are you okay?"
Napatitig ako sa kanyang godlooking features. Alam niyo na yun kung paano. Hahahaha.
"Dalhin na kita sa clinic." Dagdag pa niya using his authoritative yet gentle voice.
"Si-sige." Pautal ko namang response.
After that incident, doon na kami nagsimulang magkakilala pa nang husto. Dumating sa point na madalas ko na rin siyang kasama sa mga lakad ko at maging sa mga lakad rin niya. Nagustuhan rin siya nina Mommy at Daddy dahil nga sa kabaitan at pagiging gentleman niya.
After his proposal, hindi na ako nagpatumpik tumpik pa, boom kara karaka na! I shouted YES that made both of us into heaven at tumagal rin ng almost 4 years.
Pero during our relationship, hindi ko ineexpect ang pagbabalik ni Frances. At first, namroblema si Neil dahil sa mga araw ng pagpapakita nito sa kanya at ang mas malala pa ay umaasa pa siyang magkakabalikan pa uli sila. Dumating tuloy sa mga times na nagiging matamlay na sa akin si Neil although hindi niya ito pinapahalata pero ang hindi niya alam ay ramdam na ramdam ko na siya. Pero hindi ko pinansin yun, at patuloy akong lumaban para sa aming dalawa, umaasa na masosolusyonan pa namin ni Neil ang dinadala niyang problema hanggang sa isang araw. . . Tinawagan niya ako from phone at magkita raw kami sa isang cafè.
Nanlaki ang mga mata ko at halos maluha ako sa nakita ko habang lumalapit ako sa table na kinauupuan niya.
"What is she doing here?" Pagtataka ko dahil kasama niya si Frances at parehong hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanilang dalawa.
"Have a seat first." Pagsagot sa akin ni Neil.
"Okay. I would like to be direct. If this is all about last night, it's fine with me already. Pwede mo ng samahan-"
"No. Its not about it." Nabigla ako nang sumingit si Frances at hindi man lang nakatingin sa akin.
"Then, anong meron?" Unconsciously kong natanong sa kanya.
Nagkatinginan pa ang dalawa bago umamin si Neil.
"I-I'm sorry Reign.. I'm really really sorry..."
With just hearing those words, I knew it! Nagsimula nang pumatak ng mga luha ko paunti-unti pero hindi ko pinahalatang mahina ako, sa halip ay pinunasan ko agad ang mga naglalabasan mula sa mga mata ko.
"So ano nga?" Pagtatanong ko uli. "Sumagot kayong dalawa." Naiinis kong nasabi sa kanila.
Nang hindi pa rin sila makaimik ay tumayo na ako sa kinauupuan ko. Hindi pa ako nakakalayo nang magsalita si Frances.
"I got pregnant Reign."
Lalong gumuho ang mundo ko nang marinig ang pangungusap na iyon. Bigla akong nanginig. Halos lahat ng tao na naroon ay nagbubulung-bulungan na. Karamihan ay inis at ang iba naman ay naaawa sa kalagayan ko. Pilit ko mang ihakbang palabas ang mga paa ko pero parang may magnet na humihila sa akin para lumingon ako.
"Ganun ba? What do you want me to say? Congratulations? Ilang months na? Do you want me to say, wooooww? Is it a boy or a girl?" Nakangiti ko pa ring tumugon sa babaeng yun kahit naluluha-luha na ako.
"Ikaw Neil? Baka may gusto kang sabihin? So rebound pala ako?" Tanong ko naman sa kanya at natawa ako sa nasabi ko. "Dapat in the first place, di mo nalang ako nilapitan at nagbait-baitan sa mga parents ko para makuha ang loob ko kung in the end, magkakabalikan din pala kayo. Sana noong una palang, hindi ka na nagpropose sa harap ng maraming tao at nagpasikat para lang mapa-oo mo ako. Galing mo rin no? Para mas lalo kang sumikat at makilala sa ibang school... oh ediiii ikaw na! Happy ka na?" Natatawa ko uling nasabi.
"Oh ano? Napipi ka na dyan at para ka ng batang pinagsabihan sa upuan mo. Nakakaawa kayo!" Huling rant ko bago tuluyang umalis ng café na yun. Dire-diretso lang ako noon habang patuloy sa pag-iyak. Medyo nakakahiya na nga sa mga nakakasalubong ko eh pero ganun talaga... broken eh. Sumabay pa ang pagbuhos ng ulan. My gooosshh pati ba naman ikaw ulan? Nakikiramay ka ba?
Mula noong araw na yun, hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit ako nagbago lalo na sa pagtingin ko sa romantic love na yan. Masakit na masakit because Neil was my first. At magpahanggang ngayon, hindi pa rin siya nasusundan even there are hot Canadians na nagpaparamdam sa akin.
In short, I became one of the members of the Rebound Girls.
YOU ARE READING
How To Work With X
RomanceThe story starts with a girl who felt cheated after the worst mistake that her boyfriend had ever done. Due to her raging emotions at that time, she eagerly decided to go to Toronto and stay there together with her cousins and aunt for good. Althou...