"Ka-kamusta ka na?"
I felt something from my stomach from the way he delivered his question.
I just act casual.
"Looking better for the better days ahead." Simple answer ko lang at ipinagpatuloy pa ang pag-inom ng wine.
"Wait. Hindi ka naman mahilig sa wine ah. Ba-baka malasing ka." Sinubukan na agawin ni Neil ang wine bottle na nasa gitna pero agad ko itong nakuha.
"No way, Mr. Benitez. Ika nga nila, if someone has to move forward from her past, well, she has to change for the better." Indirect statement ko para sa kanya.
Natahimik naman siya at ininom din ang wine na nasa harapan niya.
Lumipas ang oras at naging maayos naman ang dinner namin ni Neil. Ang galing nga eh. Akala ko nung una, hindi ko siya magagawang makasama after our past but miraculously, andito ako sa harapan niya at parang wala lang na nangyari na nakikipag-usap sa kanya.
Just wow. Kaya ko pala yun.
"Reign. Reign." Mahina pero medyo husky na boses ang nagpagising sakin. Nakita ko na lamang na nasa harapan na pala kami ng bahay ko.
"Oh sorry. But, thanks for the drive." Medyo inaantok ko na nasabi sa kanya.
Palabas na sana ako ng sasakyan nang biglang umikot ang paningin ko at halos matumba. Nakadagdag pa sa problema ang taas ng heels ko.
Naramdaman ko nalang ang mga malalakas na bisig na siyang sumalo sakin at nagpaayos muli sa tindig ko.
"Sinabi ko naman sayo wag kang masyadong uminom. Tignan mo tuloy ngayon ang sarili mo." Sermon ni Neil.
Napatingin lang ako sa kanya kahit medyo blurry pa ang paningin ko. Hinaplos ang pisngi niya gamit ng kaliwang kamay ko at . . At. . At tuluyan na akong nilamon ng dilim na siyang nagpawala sakin ng malay.
--
Day 3Nakaramdam nalang ako ng matinding sakit ng ulo na siyang nagpahirap sakin na makabangon. Anyways, Saturday naman ngayon and today's my day-off!
Shet. Naparami nga yata ako ng inom kagabi. Eh teka. . ? Paano ba ako nakarating dito sa kwarto ko?
Sa pagtataka ko, halos mapatalon ako sa gulat nang may isang braso ang yumakap sa maliit kong bewang.
"Ay putakte ka!"
Napaungot lang yung nasa tabi ko na walang iba kundi si Neil. What the hell?!
Ba-bakit si-siya dito humiga? In the first place, bakit dito siya natulog sa kwarto ko?!
Marami ng thoughts ang siyang bumabalot sa isipan ko nang. . .
"Nagtataka ka bakit ako nandito?" Husky yet may halong antok na boses ni Neil habang nakapikit pa rin ang mga mata.
Mabatukan nga!
"Aaaaaaraaayyy!" Shet. Napalakas yata ako ng batok.
"Ano bang problema mo? Sadista ka na ba huh? Alam ng natutulog pa yung tao eh." Banat niya.
"Excuse me? This is my bed! And in the first place, what are you doing here? Why are you sleeping here? And why are you cuddling me?!" Hindi ko namalayang pataas pala nang pataas ang naging tono ng pananalita ko sa kanya.
Napabangon na rin siya only with his shirt and. . . boxers?!!
I'm dead.
"Enjoying the view?" Nakasmirk pa niyang tanong.
Napamura ako nang malutong at hinabol siya sa sobrang inis.
Halos nalibot na namin ang buong second floor, kung saan naka-locate ang kwarto ko, sa pakikipaghabulan lang sa damuhong na ito.
YOU ARE READING
How To Work With X
RomanceThe story starts with a girl who felt cheated after the worst mistake that her boyfriend had ever done. Due to her raging emotions at that time, she eagerly decided to go to Toronto and stay there together with her cousins and aunt for good. Althou...