Chapter 10 Friends' Time

2 0 0
                                    

Lumipas ang ilang linggo at napapansin kong nagiging komportable na ako sa trabaho ko at maging kay Neil . . Although may times na medyo awkward pa rin.

"Sooooo hanggang kailan te?" Tanong ni Christian na may titig na makahulugan saken.

Nasa coffee shop nga pala kami ngayon ng mga friends ko since Sunday din naman at nakapagsimba na rin kami lahat.

"What do you mean 'hanggang kailan'?" Pagtataka ko.

"Girl, baka nakakalimutan mo? Ex mo si Neil. Nasa iisang kumpanya pa kayo." Sagot pa niya.

"And?" Nasabi ko as I shrugged my shoulders. "I've got your point, okay? I'm trying. I'm trying to make adjustments for the sake of our company. Ano pa ba magagawa ko? Eh mataģal na rin pala sa kumpanya namin ang lalakeng yun."

"Well ang akin naman is, hindi ka ba nahihirapan sa set up niyo? Concern lang kami para sayo." Nabanggit naman ni Monique.

"And besides the reason also why nandito tayong lahat ngayon is to talk of whatabouts sa buhay natin lately." Paliwanag naman ni Verna.

"Ah okay. I get it. Thank you sa concern ninyo. Well, the company is running better. I've adopted my style of work sa Toronto to here since fashion related din naman ang work ko dun and fortunately it worked. At dahil sa progress na yun, ay hindi na ako masyado pang tinutulungan ni Neil." Kwento ko.

"That's great! We know you could do it. Matalino at magaling ka kaya." Compliment ni Christian.

"Okay so, enough about me na. Kayo? How's your works?" Ako naman ang nagtanong.

"Well as always masakit sa ulo. Dami ko kaseng cases na inaasikaso at ang nakakaloka pa. . ." Napasinghap pa nang malakas si Verna sa kalagitnaan ng kwento nya.

"Ano yuuun tee? May nagpaparamdam na ba?" Excited na tanong ni Christian.

Napatango na lang si Verna nang nakangiti.

Oh my gosh. Ang frenny kong nerdy ever since. . . Ngayon ay napapansin na.

Ramdam ko ang pare-pareho naming pagkagulat sa confirmation nya.

"Omgggggg!! Finally! Congrats sis!" Napatili na nang hindi nya namamalayan si Monique at napayakap pa kay Verna.

"Grabe akala namin tatanda ka ng dalaga." Pagbibiro pa ni Winston.

"Hoy hindi ah! Pinangarap ko rin namang maexperience to have someone." Defend ni Verna.

"So happy for you, Verna. Well, could you tell us more about this guy?" Request ko naman.

And with that, nagpatuloy na sa pagkwento si Verna. Isa rin palang lawyer ang nanliligaw sa kanya at katabi lang ng office niya. Aaww ang sweet. Nagsimula daw yun nang magkatulong sila sa isang malaking kaso na may kinalaman sa estaffa. Nakakatuwa naman. I just can't believe. Talagang bilog ang mundo.

"Oh ikaw naman beks." Request naman ni Monique.

"Well, aside sa nakakalokang trabaho ko ng pagbabalance eh eto. . Nganga pa rin ang vaklang twah."

At pare-pareho kaming natawa sa nasabi niya.

"Mga bakla kayo, ang hard niyo saken. But atleast stable ang life ko noh. Secured na ang future ng mga pamangkin ko then naipatayo ko na ng sari-sari store sina Mama para may mapaglibangan and at the same time, may mapagkakitaan rin sila."

Matalino din kase si Christian. Kahit talandi minsan, ay siguro nga natural na yun sa lahi nila but ang kinabibiliban ko sa kanya ay ang pagiging professional nya pa rin and since ayaw din nyang bumaba ang tingin sa kanya ng mga tao kahit alam nilang siya'y nasa third sex.

How To Work With XWhere stories live. Discover now