Chapter 8 Misinterpreted

3 0 0
                                    

Nakarating na pala ako ng kumpanya nang hindi ko namamalayan dahil sa patuloy lang na pagluha ng mga mata ko.

Wala na. Tuluyan ng nasira ang araw ko dahil sa damuhong na yun.

Sabi ko pa naman sa sarili ko, hindi na muli akong iiyak nang dahil lang sa kanya.

"Maam, okay lang po kayo?" Tanong ng isang gwardiya na nakabantay sa front glass door.

Tumango lang ako at ngumiti.

"Thanks sa concern manong."

Nakaramdam na rin ako ng pagod so I decided na tawagan si Manong Bong, ang family driver namin para ihatid na ako pauwi.

Ayoko na muna makita ang pagmumukha niya. Kung pwede lang talaga na bumalik na ako ng Toronto! Haaaayyysss.

Maya maya pa'y napansin ko na ang pagtigil ng isang sasakyan at kumaway na sakin si Manong Bong.

Dali-dali na akong lumabas at agad ng sumakay sa back seat.

"Hindi pa po tapos ang office hours niyo Maam Reign ah. Bakit po uuwi na kayo?" Pagtataka naman ni Manong Bong habang nagmamaneho na uli palayo sa kumpanya.

"I just had a bad day. At pagod na ako." Walang kagana-gana kong sagot.

Hindi na sumagot pa si Manong at nagpatuloy nalang sa pagmamaneho.

Nag online naman ako sa facebook at sa instagram para malibang nalang ako.

--
Day 2

Nagising muli ako ng 6:30 ng umaga pero may napansin akong note sa may side table ko.

Kinuha ko iyon at binasa ang nakalagay.

Anak,

Nabalitaan namin ang nangyari kahapon. Please sana huwag na uli iyon mangyari. Sana mapakisamahan mo rin si Neil nang maayos. Kung talagang nakapagmove on ka na, patunayan mo. Love ka namin anak.

Daddy ♥

So iyon na nga po at muntik muntikan ko ng malunok ang nasa bibig ko. Medyo kadiri man tignan.

Si Daddy talaga. Parang ang lumalabas pa ay si Neil pa ang kinakampihan.

Ginawa ko na ang aking daily routine at nagsuot lang ng long-sleeve na floral dress at red heels.

Naging maayos naman ang araw ko sa opisina, since ang ilan naman sa ginagawa ko dito ay 2x harder lang naman mula sa work ko sa Maple. Wala rin ang damuhong na madalas nagdidikta saken ng mga dapat kong gawin.

Mabuti naman at matatahimik na rin ang buhay ko.

Maya-maya pa'y may nagsalita na naman sa intercom but this time ay boses ng isang babae.

"Maam Hillary. Good morning po. Ipinapatawag po kayo ni Sir Benitez sa office po niya. May mahalaga lang daw po siyang sasabihin sa inyo."

With just hearing his surname ay nairita na kaagad ako sa nasabi saken nung babae.

"Ms. Jane. Please tell your boss I'm busy. Kung may kailangan siya, siya mismo ang pumunta dito. Thank you." Maayos ko naman na tugon sa tumawag habang patuloy na nagaassort ng mga papeles sa table ko.

"Okay Maam. Thank you po." Magalang na tugon naman ni Ms. Jane.

Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko nang nabulabog ako sa medyo malakas na pagkakasara ng pinto.

How To Work With XWhere stories live. Discover now