Chapter 6 The Lobby Confrontation

4 0 0
                                    

Agad na akong lumabas ng office niya at dumiretso na ng kwarto ko. Pagpasok ko'y pumasok rin siya at isinara ang pinto.

"So ano yung nakita ko Dad?" Direkta at seryoso kong tanong sa kanya.

Napatingin sa semento si Daddy bago bumaling uli sa akin at sumagot.

"Anak, Neil has been with the company as my assistant for 5 years. Ki-kinuha ko siya kase I think he fits for the position. A-and hindi naman ako nagkamali sa pagpili sa kanya. Reign. Pinatunayan niya saken na deserving siya. At wala naman akong nakikitang mali-"

"Dad, really? Wala? Kung sa inyo wala, pwes saken meron. Siya lang naman Dad ang tinanggap niyo ni Mom dito sa pamamahay na ito almost 12 years ago. Siya lang naman yung nanloko sakin at pinili ang first love niya na nabuntis rin niya. Then sasabihin mo saken Dad na wala kang nakikitang mali. At talagang pinapasok mo pa uli siya sa kumpanya at sa mga buhay natin. I-I'm sorry. B-but I just can't believed this." Dire-diretso kong banat sa kanya.

"Anak. Let me explain. Oo. Alam namin ng Mommy mo ang pinagdaanan mo. Pero nakita ko sa mga mata niya na gusto niyang bumawi. Reign, gusto niyang magsisi kaso nawalan na siya ng pag-asa na gawin yun nang nabalitaan niyang nasa Toronto ka na. Gusto ka niyang mahabol at makipagbalikan sayo. Kase hindi raw totoo yung sinabi-"

"Whaat?! Really, dad?!" Pagputol ko uli sa kanya. "At naniwala ka naman sa sinabi ng taong yun?" Napailing nalang ako at nagsalita muli.

"I guess I have to go back nalang Dad."

Naramdaman ko ang pagkabigla niya sa mga nasabi ko but sorry, I was just saying what I think.

"Reign, no. You'll stay here and you have to face him."

"What for Dad? Para paulit-ulit kong maalala na binuntis niya ang una niyang minahal? Para patuloy lang akong masaktan?"

"Eh anak akala ko ba nakamove on ka na?"

Napatitig ako sa kanya nang marinig ko yun sa kanya.

Shet. Oo nga pala. Matagal ko ng sinabi sa sarili ko na nakamove on na ako at wala na saken ang mga nangyari.

Napagisip-isip ko ang mga nasabi at naging reaction ko kanina.

Oo nga noh. Anong ibig sabihin nito? Don't tell me. . . . Nooooooooo! Isang malaking no no! It can't be. Matagal na yun.

"Anak? Okay ka lang ba? Di ka na nakasagot sa sinasabi ko sayo." Nabalik ako sa realidad nang mapansin kong nasa harapan ko pa nga pala si Daddy.

"Whatever Dad. Sige na po. Magpapahinga na po ako." Nagpaalam na ako sa kanya at nagsimula nang pumunta sa higaan ko.

I just can't believed it. Just wow. Paano ito ngayon?

Kaya mo ito, Reign. Marami ka na ring pinagdaanan before. Dapat maging strong ka.

Habang nagmumuni-muni ay may biglang kumatok sa may pinto kaya't napaayos ako ng upo at medyo inayos ang mukha ko.

"Who's that?"

No.

No way.

Hindi.

Hindi maaari ito. Naghahallucinate lang ako.

"Reign. Okay ka lang?" Pagtataka ng least person na inaasahan ko sa gabing ito.

"Oh yeah. Sorry. I just remembered something. Come again?" I answered professionally.

"I said. Your work will start tomorrow at 8 in the morning, sharp. You shouldn't be late."

Wow. Demanding ha.

How To Work With XWhere stories live. Discover now