"Sis saan ka pupunta? Di pa tayo halos nakakapag usap ah." Paghabol naman sa likuran ko ni Christian habang ako naman ay patuloy lang sa paglalakad hanggang sa marating ko ang kwarto ko.
Nang bubuksan ko na ito ay may kung sinong humila sakin palayo dito at nabigla ako nang si Winston lang pala yun.
"Huy Reign. Hindi ka pa nga namin halos nakakamusta eh. Basta ka nalang aalis." Medyo malungkot na nabanggit ni Winston.
"Chill Winston. Just call them up here and dito nalang tayo mag uusap. I also have to change my clothes." Sagot ko naman sa kanya.
"Fine. But . . Why did you just ran fast upon- ow shit!"
Napatigil si Winston sa nasabi niya nang nanlaki ang mga mata nya kaya napatakip siya ng bibig at halatang napamura pa nang mahina.
"What? Why?" Pagtataka ko sa biglang pagshift ng mood ni Winston from happiness to surprised at halong sadness.
"Well, I guess, you-you have to find it out yourself."
"Alam mo, di kita gets. Sige na. Just feel homey sa sofa ko. Maliligo lang ako."
Maraming alaala ang nagbukas muli sakin nang mabuksan ko yung walk-in closet ko.
Marami na rin kase siyang nairegalo sakin since he's good at treating her girlfriend and I love fashion.
Napahawak ako sa mga ito na mabuti nalang ay hindi naalibukan para di masyado panget itong tignan.
"It's been years." Nabanggit ko habang napatitig sa mga damit ko.
Dumiretso na ako sa cr at dun nagrelax. After doing all my rituals ay lumabas na ako doon at naghanap ng komportableng damit.
Sa paghahanap ko ay napangisi nalang ako sa nakita kong isang black printed shirt na may nakalagay na "Ex means Eliminated."
Ayt pasabog ito! Kinuha ko iyon at naghanap ng blue mini shorts. Pansin ko lang, marami na pala akong damit na maluwag sakin dahil di ba nga chubby ako before. I guess I just have to sell these things online, para kumita pa ako right? Right.
Sinuot ko na ang mga nakuha ko at naglagay lang ng light na foundation at pink lipstick. I just let my wet hair flow para madali na ring matuyo at sinuot ko lang naman ang paborito kong bunny pink slippers.
Paglabas ko'y parang mga naging estatwa ang mga kaibigan ko na mukhang may matinding pinag-uusapan paglingon nila sakin.
"Excuse me? Anyare sa inyo?" Natatawa kong tanong sa kanila.
"Siya ba talaga si Reign, guys?" Pagtataka ni Monique.
"Ako nga rin eh. Di rin ako makapaniwala." Sagot naman ng boyfriend niyang si Winston.
"Babe, pwede ba akong magdagdag ng mamahalin?" Pagbibiro pa ni Winston kaya't nakatanggap siya ng isang malakas na batok mula kay Monique.
At pare-pareho lang kaming nagtawanan.
"Ikaw talaga Winston!" Nasabi ko at naupo na rin sa isang maliit na sofa malapit sa kanila. "Anyways, what are you guys talking about?" Pagtataka ko.
Napansin kong nagkatinginan pa sila bago uli humarap saken.
"Sis. I guess we have to go outside to see the answer." Indirect namang sagot ni Christian.
"Wh-why? Anong meron dun?" Tanong ko uli.
"Actually nagugutom na kase kami kaya sabi namin hintayin ka na para sabay sabay na tayo." Sagot naman ni Verna.
"Ahh oo nga pala. Kase kanina sobrang aligaga kami para sa surprise mo. With just hearing the news na babalik na nga ang bestfriend namin kaya kanina pa kami walang kain." Dagdag pa ni Monique.
YOU ARE READING
How To Work With X
RomanceThe story starts with a girl who felt cheated after the worst mistake that her boyfriend had ever done. Due to her raging emotions at that time, she eagerly decided to go to Toronto and stay there together with her cousins and aunt for good. Althou...