Chapter 11 Meeting the Long Last Enemy

2 0 0
                                    

"What the heck?! Are you really going to meet that bitch?" Halos pasigaw nang nasabi ni Monique.

Still, after the call ay nasa café pa rin kami at naikwento ko sa kanila ang nangyari.

"Reign, no. Don't meet that girl." Dagdag pa ni Winston nang seryoso.

"Girl, nakakapagtaka lang kase. It's been 8 years. Kung magsosorry lang siya after those years, napakaimpossible naman nun. There's must be something more behind sa pagpaparamdam niya uli." Seryosong pag-aanalyze ng situation ni Verna. Si Verna talaga pati ang sitwasyon ko ay ginawa na ring kaso sa korte.

"I'll be direct nalang sa kanya. Then, kapag hindi ko nagustuhan yung purpose of visit niya, well, that's the time." Sabi ko sa kanila.

"Not bad. Atleast, mabait ka pa rin sa labas." Comment ni Christian.

"Exactly. Actually, excited na nga rin akong makita ang babaeng yun after 8 years."

After an hour ay sumakay na ako ng kotse ko at dumiretso na papunta ng Del Valle FashGlam.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang ng lobby ay nasaksihan ko na kaagad ang eksenang hindi ko inaasahan.

Parehong nanlaki ang mga mata ni Frances at napatungo naman si Neil.

"I-is that y-you Re-reign?" Hindi makapaniwalang tanong ni Reign.

"In the first place, no one's calling me Reign not unless you're a family member or a close friend. But unfortunately, you're not one of them. So call me Maam Hillary."

Lalong napanganga si Frances sa sinabi ko at mukha pa ring hindi makapaniwala sa isang dyosa na nasa harapan niya ngayon. Suot ko lang naman ang silver glittered dress ko na may straps at above the knee matched with my black heels. And this dress really revealed my shape and a bit cleavage.

"I-I just can't believe na ikaw na-"

"Anyway, what's your purpose of coming here in 'my' company?" Pinutol ko na yung kung ano man ang sasabihin niya at diniretso na siya, completely ignoring Neil na nasa may gilid na ngayon, malapit sa kinalalagyan ng information desk officer.

"We-well, I-I just want to visit you and of course Neil, pa-para mangamusta na rin. Sensya na nga pala kung nakita mo kami na magkayakap ni Neil. I just really missed him." Response naman niya na halatang may halong malisya at every time na babanggitin niya ang pangalan ni Neil.

"Frances. My company is not a bar. Kung gusto mong makipagdaldalan saken at kay Neil, pwede mo naman siyang i-contact at magmeet nalang sa isang café. Pinapunta mo pa ako dito just because of that purpose? Unbelievable. By the way, Ms. K." Seryosong sagot ko naman sa kanya at saka bumaling sa desk officer.

"Yes maam?" Magalang pero medyo nahihiyang tugon nito.

"I'll go straight to my office to check some papers. Paalisin mo na sila."

Halatang lalong nagulat yung dalawa sa sinabi ko since nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Frances at ang pagiging confused naman ni Neil.

"Yes maam." Mahinang sagot ni Ms. K.

Palabas na sana ako nang nagsalita si Neil.

"Pinapunta ko dito sa Frances para sabihin sayo ang totoo."

Wait. Nabigla ako. Literal akong napatigil sa paglalakad nang marinig ko yun. Gosh. Not this time. Ayoko ng ipakita ang dating ako; yung kinaya-kaya lang dahil alam ng karamihan na mahina siya at parati lang masaya at positive.

"Pumunta kami dito para pormal na makapagpaliwanag sayo ng totoong-"

"Neil. Not this time. I'll be doing some stuffs sa office today. Makakaalis na kayo." Seryosong instruction ko pagharap ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad at pagsakay sa isang malapit na elevator.

How To Work With XWhere stories live. Discover now