dalawa

40 3 0
                                    

inactive. 


ilang linggo kitang hindi nakausap. 

well, kahit naman siguro active ka, di mo ako kakausapin. o kaya naman kakausapin mo nga ako, one-word answers naman binibigay mo. 


minsan hindi ko alam kung bakit masungit ka. 

ako naman itong parang tanga, sorry nang sorry sa'yo kahit wala naman akong kasalanan. 


inactive. inactive ka. 


dahil na rin siguro sa pakikitungo mo sa akin, baka inactive na rin ako sa'yo. 

o blocked. 


inactive. MIA. missing in action. 


MIA ka. pero sa tingin ko di ka MIA sa puso ko. 

corny, pero totoo ito. 


MIA. tanong ko sa sarili ko. 

Ma-Iinlab Ako? sayo? hindi ko alam. 

alam ko lang, crush lang ito. sana crush lang ito. 

sana hindi magkatotoo. 


maraming circumstances na dapat noon palang, nilayuan na kita. 

kaso hindi ko alam sa puso kong ito, tatanga-tanga. 


inactive. MIA. 

ilang araw na rin. kelan kita ulit makakausap? 

kahit as a friend, okay lang. 

YouWhere stories live. Discover now