"balang araw sana"
magandang umaga
pinapatawad na kita
gano'n ka na rin ba sa akin?
matagal-tagal na
noong una'y hindi ko binalak ito
akala ko hindi na ako
makakapag-sulat ng ganito
pero may gusto akong sabihin sa'yo.
kung balang araw
ay magkita tayo
hindi muna kita yayakapin sa tuwa
kundi ngingitian mula sa malayo
tapos dahan-dahan akong lalapit
kasi hindi sigurado, baka may naiwan na galit
tapos kukumustahin ka
tapos kakausapin ka pa
sana'y magbigayan tayo ng numero
ayoko nang mapalayo nang tuluyan sa'yo
tapos marahil ay sasaya ang puso ko
kasi maayos na tayo.
YOU ARE READING
You
PoetryI didn't intend to publish this, but I'll take the chance. ('di na-proofread, sorry for errors hehi)