A/N: photo from Tumblr (thewavesfadetogrey).
isa, dalawa, tatlo.
may tumulong dugo.
dugo mula sa aking pulso, na kaka-laslas gamit ng blade na kulay abo.
isa, dalawa, tatlo.
dugo, kasing-kulay ng kanyang suot.
kasing-tingkad ng kanyang labing hugis puso.
isa, dalawa, tatlo.
hindi ko masabi-sabi ang tunay na nararamdaman sa iyo.
alam ko namang walang patutunguhan 'to.
kaya't bago ma-dedo, ito ang sasabihin ko.
sumasakit ang aking tiyan pag nandiyan ka
hindi sa paraang masama, sa paraang masaya.
ang iyong munting mga galaw ay nakakatuwa.
nakakatuwa, at siyang nakabubuo ng araw ko.
kahit bad mood, napapasaya mo ako.
sana maging masaya ka lalo.
sana wala ng luhang tutulo sa mga mata mo
sana mahanap mo ang para sa iyo
ang pangarap na matutupad mo
ang pag-ibig na hinahangad mo
paalam, kaibigan.
alam kong hanggang doon ako.
pero okey lang, sana walang magbago.
YOU ARE READING
You
PoetryI didn't intend to publish this, but I'll take the chance. ('di na-proofread, sorry for errors hehi)