labing-apat

12 1 0
                                    

Labing-apat. Numero ng pag-ibig. 

Parang pagkakamali na minahal kita.

Hindi naman sa masama, pero parang may mali. Parang nararamdaman ko nan gang 'di dapat kita minahal. Parang kapag minahal ng ibon ang isang pusa, o minahal ng aso ang daga. Parang mali. Ang weird. Kakaiba. Unique. Pero weird. Unusual. Yung mga ganong adjective.

May mga taong kinakaibigan, may mga taong minmahal, ika nga. Kaibigan kita dati eh. May difference ang kaibigan sa ka-ibigan, iba? Paano nga ba kitang nakita na mamahalin ko?ang weird. Parang glitch sa matrix ni Kupido.

Tsaka sino nga ba ako sa'yo? Naging classmate mo lang ako mula grade 7 hangang grade 10 diba? Ayaw mo nga akong kaibiganin dati dahil sa simpleng dahilan na hindi ako naghintay. Ayaw mo nga sa akin noon kahit 'di mo pa ako masyadong kilala. Pero anong nangyari ngayon? Will it make a difference?

So ayon nga. Parang may mali.

May mga mag-ex na nagiging magkaibigan, may mga hindi na nagpapansinan. May nagkakabalikan, may nagkakalimutan. 'Di naman tayo mag-ex, let alone mag-jowa. Pero hindi ko maintindihan kung magkaibigan pa ba tayo. Hindi na rin tayo nagpapansinan at mas lalong kinalimutan mo na yata ako. Siguro isang pagkakamali na tayo'y nagkakilala. Pagkakamali na magkaibigan tayo. Parang nagka-sugat ako, tapos nilagyan ng band aid, pero tinggal agad kasi mali yung hugis ng band aid. 'Di ka toxic, 'di tayo toxic. Mali lang.

Hindi pagkakamaling dumating ka sa buhay ko, o ako sa buhay mo.

Hindi pagkakamali yung mga alaala natin, masama at mabuti.

Yung tanging pagkakamali ko ay mahalin ka.

Kahit alam kong hanggang doon lang tayo. 


YouWhere stories live. Discover now