"drunk in love"
umiikot ang paligid
ako'y naguguluhan
para bang ang daming anino na sumasayaw-sayaw
tapos ako'y bigla mong inakbayan
nginitian mo ako at hinawi ko ang buhok mo at pinagmasdan ka na lamang
ang ganda mo talaga.
ngumiti ka ulit at hinatak ako sa gitna ng mausok at madilim na pub at sumayaw-sayaw at umikot ikot
ang ganda mo talaga.
hindi kumukupas ang hiwaga
hindi mawawala ang pagkahanga
napaka-ganda mo talaga
na kahit sa umiikot-ikot ang aking ulo at ako'y nahihilo
ikaw pa rin ang pinakamaganda sa paningin ko
(kahit malabo)
sumasayaw at gumigiling ka pa rin sa gitna ng club na pinuntahan
nginingitian mo pa rin ako na para bang wala nang hanggan
kaya't ikaw ay minabuti kong hinila sa tabi
pero nahila ka rin ng iyong katabi
at kumislap sa malabong ilaw ng klab ang iyong singsing
na puno ng diyamante at napaalala sa akin
na ikaw ay hindi na akin at nasa iba ka na pala
hinila ka ng iyong asawa at ngumiti sa akin
nagpaalam na kayo'y uuwi na at nagpasalamat
nginitian ko siya at kinamayan din
pinanood ko kayong umuwi na at napaupo sa isang tabi
umorder ng isa pang bote ng whiskey
at aking napagtantong
pareho pala tayong lasing sa pag-ibig
ikaw sa iyong minamahal
at ako naman sa taong may mahal nang iba
na kahit masakit ay magpapakatanga
dahil mahal pa rin kita.
isang tungga.
tumagal ang gabi. malalim pa ang gabi. hindi pa tapos ang gabi.
mahal pa rin pala kita.
hindi ata ito nawala.
tungga ulit.
YOU ARE READING
You
PoetryI didn't intend to publish this, but I'll take the chance. ('di na-proofread, sorry for errors hehi)