pagod na akong isipin ka
sa araw-araw na pagdurusa
ako'y walang magawa
upang pigilin ang nadaramamarami na rin ang nagsasabi
ako'y sumuko na
dahil sa huli rin nama'y
wala rin akong mapapalamarahil nga ako'y sumuko na
hindi pa rin titigil na
sumulat ng mga tula
okey lang kahit hindi mo mabasasa tula ko na lang sasabihin
sa tula ko na lang aaminin
sa tula na lang
sa tula na lang gagawin._____________________________________________________________________________
sa mga isinulat ko noon
ako'y sumuko sa laban ng aking puso
pero sa mga nangyayari ngayon
parang ayaw ko nang kalabanin
parang gusto kitang ipaglaban
parang di pa kita susukuan
parang itutuloy ko pa ata
itong aking katangahan
dahil araw-araw, ako'y napapalapit
mas nakikilala ang tunay na ikaw
sana'y hindi na lumayo
kasi baka hindi ko kakayanin 'yon.
YOU ARE READING
You
PoetryI didn't intend to publish this, but I'll take the chance. ('di na-proofread, sorry for errors hehi)