"ikaw o libro"
kung papipiliin ako
kung ikaw o libro
ikaw ang pinipili ko
mas pipiliing kong kasama ka
kaysa malasing sa isang libro
pero sabagay, ang buhay ay isa rin namang kwento
ang mga tauha'y ikaw at ako
at magsisimula sa masaklap na panimula
dahil hindi mo ako makita
tapos sa kalagitnaa'y mapapansin mo din ako
kinalauna'y magiging magkaibigan
kahit alam kong di talaga pwede maging tayo
kumakapit pa rin ako
ngunit darating ang araw
na hindi na tayo magkakasama
kaya habang nasa pataas na aksiyon tayo
sinusulit ko nang makasama ka
sana palagi kang masaya.
hindi ko pa alam ang dulo ng libro
pero ang alam ko
ayos lang kung hindi maging tayo
naiintindihan ko
masyado kang mahal ng pusong ito
kaya palalayain ka na niya.
kung ako'y tatanugnin
ikaw ba o libro
alam ko na ang sasabihin ko.
ikaw at ikaw ang pipiliin ko
kasi kayang maisulat sa libro
ang mga panahong magkasama tayo.
ikaw o libro?
ikaw at ikaw pa rin hanggang sa dulo.
YOU ARE READING
You
PoetryI didn't intend to publish this, but I'll take the chance. ('di na-proofread, sorry for errors hehi)