bakit parang nagdadalawang isip ako?
di ko alam kung ikaw pa ba ang sinisinta
pero bakit parang nagsasawa na?
ewan ko ba.
marahil ay baka hindi na kita masyado nakikita
o kaya may iba na akong pinagkakaabalahan
ngunit maipapangako ko
na parte ka pa rin ng aking puso
ayaw kong magpaalam
dahil may isa pang taon bago mawalay
ngunit ako'y lubusang nagtataka
kung bakit ako'y nagsasawa na
sa totoo lang, tinatanong ko sa aking sarili
kung bakit ganito
dati lamang ikaw ang mundo ko
pero ngayon marahil nagugunaw na ito
ilang beses na akong pinagsabihan
na wag masyadong magmahal; protektahan ang puso
at ikaw daw ay aking kalilimutan
dahil hindi din daw magiging "tayo"
dati ay hindi ko na iyon pinansin
dahil buong puso kong pinaniwalaan
na "tayo" ay may posibilidad
kaya sinubukan kong magtapat
ngunit bago ko pa magawa
pinigilan na ako ng iyong kaibigan
sabi niya hindi daw tayo talo
gusto kasi kita, pero di mo ako magugustuhan
hindi ako nagtapat
pero lubusan akong nagtaka kung paano mo nalaman
dahil sa mga sumunod na linggo
ako'y iyong iniiwasan
kaya iniwasan din kita
nagbabakasakaling ang nadarama ay mag-iiba
baka sana hindi na lumala
baka sana hindi na mahulog pa
pero kahit anong gawin ko
lumalapit at lumalapit na ako sa'yo
may malisya na yata
alam kong hindi ito tama
sinubukan kong kalimutan ka
at parang natupad na nga
pero parang ayaw ko pa
ayoko pang bumitaw
gusto kitang palayain
kahit masakit para sa akin
kaso gusto ko pang kumapit
kahit sa aking damdami'y mapait
maaaring kalimutan ka ng utak ko
maaaring mawala ka sa isip ko
pero ako'y naninigurado
nakalimutan kang kalimutan ng aking puso.
YOU ARE READING
You
PoetryI didn't intend to publish this, but I'll take the chance. ('di na-proofread, sorry for errors hehi)