distansya
bakit, sinta?
ano ba ang nagawa?
ano ba ang nangyari sa ating dalawa?
bakit ganito?
kay raming tanong na di nahahanapan ng sagot
bakit ganito?
umamin lang ako'y bigla ka namang lumayo.
distansya.
bakit sinta?
bakit bigla ka nalang nawawala?
para bang hindi na ikaw ang kausap.
bakit ganito?
bakit para bang ika'y nagbabago
ano ba ang nagawa ko?
kung ano man iyo'y sana patawarin mo ako.
distansya.
bakit sinta?
nasira ko pala ang hangganan nating dalawa
nabuwag ang mabuting samahan.
bakit ganito?
bakit pa kasi umamin si bobo?
bakit kailangang may magbago?
sana ay bumalik nalang sa dating ayos.
distansya.
napakalayo mo na pala, sinta.
ika'y naiilang na sa aking presensya
ako ba'y lalayo na?
bakit ganito?
kapag ako'y malayo sa iyo
masaya ka naman sa ibang tao
gusto mo bang ako'y lumayo?
distansya.
pwede ko namang tuparin, sinta.
ako nalang ang aalis, giliw
para hindi ka mahirapan pa.
YOU ARE READING
You
PoetryI didn't intend to publish this, but I'll take the chance. ('di na-proofread, sorry for errors hehi)